Mga Pinoy hinihikayat ng DTI na maging bayani sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga local products at services

Screenshot mula sa video ng DTI
  • DTI, hinihikayat ang mga Pilipino na maging bayani sa panahon ng pandemic
  • Sabi ni DTI Sec. Ramon Lopez, maaaring maging bayani sa pamamagitan ng pagbili at pagtangkilik ng mga local products at services
  • Ang tanging hinihiling ng DTI sa mga mamamayan ay unahin ang mga Philippine products at services bago ang iba

Gusto mong maging bayani? Hindi mo na kailangang magsuot ng kapa o kaya’y magbuwis ng buhay. Simple lang ang dapat mong gawin – bumili at tangkilikin ang mga produktong Pinoy sa halip na mga imported products nang sa gayon ay matulungan mong sumiglang muli ang ekonomiya ng bansa na grabeng naapektuhan ng umiiral na pandemya.

Screenshot mula sa video ng DTI

Sabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, kailangang unahin nating mga Pilipino ang pagbili ng mga local products bago ang mga imported goods para makarekober ang ekonomiya sa pinsalang dulot ng COVID-19 outbreak.

“Tayo po ay dito muna sa ating bayan mag-shop local, eat local, and travel local. Only with this support sa ating mga kababayan can we really reopen and restart our economy,” sabi ni Sec. Lopez sa Laging Handa virtual press briefing noong Huwebes, July 2.

Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga locally-made products ay nabibigyan din ng proteksyon ang local employment, ayon sa kalihim.

“As we patronize our locally-produced products, ang nabubuhay po diyan ay ‘yung mga local companies na may local employment. If we buy imported, what we are helping are those companies and jobs abroad,” aniya.

Screenshot mula sa video ng DTI

Nilinaw ni Sec. Lopez na hindi lilimitahan ng DTI ang pagpasok sa bansa ng mga imported products para lang lumakas ang demand sa mga local products. Mahalaga umano ang pagkakaroon ng “environment of competition” upang hindi naman maging “spoiled” ang local manufacturers.

Ang tanging hinihiling ng DTI sa mga mamamayan ay unahin ang mga Philippine products at services bago ang iba.

Screenshot mula sa video ng DTI
Source :

ABS-CBN, DTI

Loading…