Mga Pinoy, pinapayagan nang makabiyahe para sa non-essential travels sa labas ng bansa

Screenshot mula sa GMA video
  • Non-essential travels para sa mga Pinoy pinapayagan na
  • Kailangang sundin ang ilang requirements bago payagang makabiyahe ang mga Pilipino sa ibang bansa
  • Limitado pa lang sa 30 bansa ang tumatanggap sa mga Pinoy tourists kabilang na ang USA

Inalis na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease ang restriksyon sa non-essential travel sa ibang bansa  para sa mga Pilipino.

Screenshot mula sa GMA video

“The suspension of non-essential travel by Filipinos pursuant to the Inter-Agency Task Force Resolution No. 13 dated 17 March 2020 is hereby lifted. All travel restrictions relative to outbound travel of Filipinos pursuant to previous IATF Resolutions are likewise lifted,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Martes, Ika-7 ng Hulyo.

Bago payagang makapagliwaliw sa ibang bansa ay kailangan munang sundin ng mga Pinoy na maglalakbay ang ilang mahigpit na requirements tulad ng pagkakaroon ng  kumpirmadong round-trip tickets para sa mga may tourist visa.

Kailangan din na mayroon silang travel at health insurance upang masiguro ang gastos sa kanilang rebooking at accommodation expenses sakaling ma-stranded o maospital dahil sa COVID-19 infection.

Mayroon din dapat ipapakitang pruweba na pinapayagan silang pumasok sa bansang pupuntahan alinsunod sa travel, health at quarantine restrictions ng naturang bansa.

Kailangan ding pumirma na alam nila ang panganib na kakaharapin sa gagawing pagbiyahe.

Screenshot mula sa GMA video

Sa ngayon ay limitado pa lang sa 30 bansa ang tumatanggap sa mga Pinoy tourists; kabilang dito ang United States of America.

Sa pagbabalik naman sa bansa, kailangan nilang sumunod sa ipinatutupad na protocols ng National Task Force Against COVID-19 para sa returning overseas Filipinos.

“Sundin ang guidelines ng returning overseas Filipinos ng National Task Force. Ito po ‘yung magpapa-PCR at quarantine muna habang hindi pa lumalabas ang resulta ng PCR test,” paliwanag ni Roque.

Screenshot mula sa GMA video

Nilinaw ni Roque na hindi sakop ng IATF resolution ang mga health care workers na may pending contracts sa abroad.

Hindi pa rin po napa-process ng POEA ang mga papeles ng mga nurses intending to work abroad,” aniya.

Sa ilalim ng isang resolusyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), suspendido ang deployment ng health care workers sa abroad habang may umiiral na health emergency sa bansa.

Source :

PNA, GMA Network

Loading…