Mga POGO, ‘under-the-table’ ang pagbabayad ng buwis – Locsin

Imahe via DFA Facebook
  • ‘Under-the-table’ umano magbayad ng buwis ang POGO
  • Ito ang ibinunyag ni Sec. Locsin sa isang tweet
  • Mayroon daw kolektor sa mga ahensiya ng BIR subalit ‘di nabanggit kung sino ito

Nagbabayad naman umano ng buwis ang mga Philippine offshore gaming operators o POGO, kaya lamang ay ‘under-the’table’ ito, ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin.

“The tax-evading POGOs did pay out as you must suspect but under the table which puzzled them,” sabi sa tweet ni Locsin nitong Huwebes.

Imahe screenshot via Twitter

Ibinunyag din ng kalihim na sa tuwing pupunta ang kinatawan ng POGO sa mga opisina ng BIR, bigla umanong may magpapakilalang ‘collector’ bagama’t hindi naman nabanggit sa tweet kung sino ito.

Ani Locsin: “Usually they line up in a revenue office and pay up but this was special: collector whose affiliation to any department was kept a mystery turned up himself like home pick up.”

Tinatayang aabot sa P50-B ang buwis na hindi nakokolekta ng gobyerno mula sa mg POGO.

Sa pinakahuling panayam kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iginiit ng opisyal na patuloy na hahabulin ng gobyerno ang mga POGO na hindi nagbabayad ng buwis kahit pa umano magsara na ito at umalis sa bansa.

Ito rin daw ang paninindigan ng kalihim ng Department of Finance na si Sec. Carlos Dominguez III at ng Pangulo.

(For illustrative purposes only) Image via Casino.org

“Now, although the President has said we need all the resources, all the revenues that we can derive from all, including POGO operations to fund Covid-19 response of the government, I think the bottom line is they (POGOs) have to settle their tax obligations,” ani Roque.

Sa kasalukuyan, aabot na sa 60 na POGO ang nabigyan ng lisensiya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Noong nakaraang taon, aabot lamang sa P6-B ang nakolekta ng gobyerno mula sa industriya, malayo sa tinatayang P20-B kada taon na dapat ay napakikinabangan ng pamahalaan mula sa buwis ng mga POGO.

Loading…