Mga quarantine violators dapat ikulong para maturuan ng leksyon – Pang. Duterte

Imahe mula sa PCOO
  • Nais ni Pangulong Duterte na ikulong ang mga quarantine rules violators upang maturuan ng leksyon
  • Inatasan niya ang kapulisan na maghigpit sa pagpapatupad ng quarantine protocol
  • Ang hindi pagsunod sa national policy sa health measures sa panahon ng public health emergency ay maituturing na seryosong krimen

Para kay Pangulong Rodrigo Duterte, hindi sapat na mapagsabihan lang o sermunan lang ang mga quarantine violators. Aniya, dapat silang hulihin at ikulong upang maturuan ng leksyon.

Imahe mula sa PCOO

Sa isang televised address ng Pangulo nitong Martes ng umaga, July 21, inatasan niya ang kapulisan na maging mahigpit sa pagpapatupad ng mga quarantine rules upang mapigilan ang pagdami ng mga bagong COVID-19 cases sa bansa.

“We’ll have to ask our police to be more strict. Hulihin talaga. A little shame would put them on notice forever. Sino ba naman gusto mahuli ka, but if you are brought to the police station and detained there, that would give you lesson for all time,” sabi ni Pangulong Duterte.

Nanawagan din siya sa mga local government officials na maghigpit sa pagpapatupad ng pagsusuot ng face masks at physical distancing.

Aniya, ang hindi pagsunod na national policy sa health measures sa panahon ng public health emergency ay maituturing na seryosong krimen dahil posibleng ang isang pasaway na mamamayan ay may dalang mikrobyo.

Imahe mula sa Remate

“Under ordinary times, a simple violation of not wearing masks seem to be trivial, social distancing, all of these things. But during times of health issues, you can (manghuli) because it can be a serious crime. The mayors have to do more. They have to do more,” sambit ng Pangulo.

Binalaan niya ang mga local government officials na posible silang masuspinde o kaya ay tanggalin sa kanilang posisyon kung magiging maluwag sa pagpapatupad ng quarantine protocols. Ang performance ng isang LGU ay ibabase sa dami ng mga mahuhuling pasaway na residente.

Batay sa tala ng Departrment of Health, mayroon nang 70,764 total cases ng COVID-19 sa bansa as of July 21, 2020.

Imahe mula sa DOH

Loading…