Mga senador sa IATF: Payagan na ang paggamit ng COVID-19 tesk kits na na-develop ng UP scientists

Imahe mula sa Manila HealthTek, Inc.
  • Tatlong senador ang nanawagan sa IATF na payagan na ang paggamit ng COVID-19 test kits na gawa ng UP-NIH
  • Kinuwestyon nina Sen. Drilon, Sen. Hontiveros at Sen. Pangilinan kung bakit hindi pa binibigyan ni DOH Sec. Duque ng go signal ang mass production ng UP test kits
  • Noong Mayo, sinabi ng DOH na nakitaan ng minor defect ang UP test kits

Nanawagan sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang tatlong senador na sana ay payagan na ang paggamit ng COVID-19 test kits na na-develop ng University of the Philippines-National Institutes for Health (UP-NIH).

Imahe mula sa Manila HealthTek, Inc.

Kinukuwestyon ng mga senador na sina Franklin Drilon, Risa Hontiveros at Francis Pangilinan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa binibigyan ng go signal ng IATF chairman na si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang mass production ng UP test kits.

Sa joint statement na kanilang inilabas, sinabi ng tatlong senador na higit na mas mura ang Filipino-made test kits kumpara sa mga binibili galing sa ibang bansa.

“Developed by the UP-National Institutes for Health and funded by the Department of Science and Technology, the Filipino test kit continues to face hurdles even as imported brands coming from China and Korea, costing more than double at between P4,000 and P8,000, enter the country without difficulty,” saad ng kanilang joint statement.

Ang UP test kits ay P1,320 lang bawat isa, ayon sa tatlong senador.

“The country is ramping up COVID-19 testing, but locally manufactured, world-class P1,320 PCR test kits are gathering dust in laboratories due to the inaction of Health Secretary Francisco Duque III. What seems to be holding Secretary Duque and the DOH back from giving the go-signal for the use and mass production of this Filipino-made, quality yet less expensive test kit? May kumikita ba sa mas mahal na imported test kit,” tanong nila.

Imahe mula sa Manila HealthTek, Inc.

Napakalaking halaga umano ng matitipid ng pamahalaan kung gagamitin ang mas murang locally-made test kits. Ang halagang matitipid ay magagamit na pangdugtong sa COVID-19 response fund na kinakapos na.

Noong buwan ng Mayo ay inanunsyo ng DOH na ang UP test kits ay mayroong minor defect matapos dumaan sa validation na isinagawa ng Research Institute for Tropical Medicine.

Loading…