Mga senior citizens nakinabang sa paglulunsad ng Botika on Wheels sa Cavite

Imahe mula sa Maragondon Mayor's Office
  • Botika on Wheels sa Cavite namahagi ng mga libreng gamot at vitamins
  • Target ng proyekto na matulungan ang mga senior citizens na itinuturing na most vulnerable group sa COVID-19
  • Umabot sa mahigit 8,000 ang inisyal na bilang ng senior citizens na nabiyayaan ng proyekto

Mahigit walong libong senior citizens ang nakinabang sa Botika on Wheels na proyekto ni Cavite Governner Jonvic Remulla sa inisyal na paglulunsad na ginawa sa mga bayan ng Maragondon, Naic at Cavite City.

Imahe mula sa Maragondon Mayor’s Office

Layon  ng proyekto na matulungan ang lahat ng mga matatanda na may edad 60 pataas  na hindi pa rin pinapayagang lumabas ng kanilang mga tahanan, maliban kung talagang kinakailangan, habang ang probinsya ay nasa ilalim ng general community quarantine dahil sa COVID-19 outbreak.

Unang binisita ng Botika on Wheels ang bayan ng Maragondon noog June 5-11, 2020 kug saan nilibot nito ang 27 barangay at nabiyayaan an g 2,260 senior citizens ng libreng gamot na pang-maintenance at mga bitamina na magpapalakas ng kanilang immune system.

Sa Cavite City naman ay 4,364 na matatanda naman ang nabigyan ng libreng maintenance medicines at vitamins noong June 16-23, samantalang sa bayan ng Naic ay dalawang araw naglibot ang mobile drugstore at namahagi sa 1,516 senior citizens ng mga prescription drugs at bitamina noong June 25 at 26.

Ang pamamahagi ng mga libreng gamot sa pamamagitan ng Botika on Wheels ay naisakatuparan sa tulong ng Provincial Health office at mga alkalde sa mga nabanggit na bayan sa Cavite – si Maragondon Mayor Reynaldo Rillo, Cavite City Mayor  Bernardo Paredes at Naic Mayor Jun Dualan.

Imahe mula sa Maragondon Mayor’s Office

Naging katuwang din sa pamamahagi ng mga gamot ang mga city at municipal health workers at maging ang mga barangay captains at barangay health workers.

Sinunod ang minimum public health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask upang matiyak ang kaligtasan ng lahat habang ginagawa ang pamamahagi ng libreng gamot.

Source :

PIA, Manila Times

Loading…