Michael Pacquiao nagpaunlak ng interview sa isang TV show; rapping skills ipinakita

Imahe mula sa Instagram account ni Michael Pacquiao
  • Nagpaunlak ng interview si Michael Pacquiao sa Unang Hirit
  • Isiniwalat niya sa panayam na bata pa lang siya ay mahilig na talaga siya sa musika
  • Nagpakita si Michael ng kanyang rapping skills sa programa

Noong nakaraang buwan ay gumawa ng “ingay” sa social media si Michael Pacquiao, ang pangalawang anak ni Manny at Jinkee Pacquiao, matapos niyang ibahagi sa publiko ang rap composition na “Pac-Man” na nabuo sa tulong ng kaibigan niyang si Michael Bars.

Imahe mula sa Instagram account ni Michael Pacquiao

Umabot na sa mahigit 2,434,000 ang views ng komposisyon ni Michael na ang inspirasyon ay walang iba kundi ang ama niyang si Pambansang kamao na si Manny na kilala sa bansag na “PacMan.”

“Nabuo ko ito with my friend. So, kanya ‘yun and he hit me up sa Instagram and then he asked to like if I can be featured in it. And then I said yes. Nangyari lang all of a sudden,” sabi ni Michael tungkol sa pagbuo ng kantang “Pac-Man.”

Sa online interview sa kanya noong Huwebes, July 23, sa Unang Hirit, isang morning talk show ng GMA Network, ibinahagi ni Michael na bata pa lang siya ay mahilig na talaga siya sa music.

“Music has been a part of me na ever since nu’ng bata pa ako and I think it grew throughout the years,” aniya.

Suportado rin daw siya ng mga magulang nila sa pagtahak niya sa music industry.

Imahe mula sa Instagram account ni Michael Pacquiao

“Supportive po sila, they let me do my thing. If I ask to buy stuff needed for music, they agree. I guess they believed in me and I’m happy din,” wika ni Michael.

Upang maipakita ang husay niya sa pagra-rap, hindi umurong si Michael sa “Fast Talk” challenge sa kanya ng isa sa mga show hosts na si Suzy Abrera. Kinanta rin niya ang isa sa mga nalikha niyang kanta na pinamagatang “Hate.”

Panoorin ang rapping skills ni Michael Pacquiao:

Loading…