Michael V. pumalag sa nagkakalat ng pekeng balitang yumao na siya

Imahe mula sa Facebook
  • Nag-react ang komedyanteng si Michael V. sa kumakalat na maling impormasyon na pumanaw na siya
  • Ito ay matapos niyang ibalita na nag-positibo siya sa COVID-19
  • Aniya, gusto niya sanag imulat ang mga tao sa dangers ng virus ngunit tila ibang danger ang nangyari dahil sa kumakalat na fake news

Ikinagulat ni Michael V. ang pagkalat ng pekeng impormasyon na siya ay yumao na.

Imahe mula sa YouTube | Michael V.

Sa ngayon ay burado nang post sa Facebook ay ibinahagi ni Michael ang screenshot ng post at sinabing “advanced mag-isip” ang nagbahagi nito.

“Muntik akong mahulog sa kama! Ingat po tayo sa mga ganito,” saad niya sa post.

Dagdag niya pa, gusto niya lang sanang ibahagi sa mga tao ang masamang epekto ng COVID-19. “Gusto ko lang imulat ang mga tao sa dangers ng COVID pero ibang danger po ang ipi-prisinta n’yo sa pagkakalat ng mga ganito. Netizens, kayo na po bahala,” aniya.

Kahapon ay sinabi ni Michael sa isang vlog ang masamang balita na nag-positibo siya sa virus.

Imahe mula sa YouTube | Michael V.

Kuwento niya, nakaranas siya ng mga sintomas ng COVID kagaya ng ub0 at pagkawala ng pang-amoy. Kuwento niya, sinubukan niya pang amuyin ang mga pabangong ginagamit niya ngunit hindi niya talaga maamoy ang mga ito.

Dahil sa mga nararamdaman ay nagdesisyon siyang magpa-swab test. Matapos ang ilang araw ay nakatanggap siya ng resulta na nag-kumpirmang positibo nga siya sa COVID.

“I was counting na may kinalaman talaga ‘yon sa COVID pero I was praying na sana wala, sana allergy lang,” paliwanag niya.

Naging maingat naman daw sila ng kaniyang pamilya simula nang magkaroon ng pandemya. “We’ve been very strict about safety. ‘Yong social distancing, pina-practice namin ‘yon. ‘Yong PPEs every time we go out and interact with other people. Halos wala nga kaming labas e. Very, very minimal yung times na lumabas kami,” paliwanag niya.

Sa ngayon ay naka-isolate pa siya at nagpapagaling.

Source :

PEP, YouTube

Loading…