Migz Zubiri nagpositibo na naman sa COVID-19, pero negatibo sa confirmatory test

Imahe mula sa Senate of the Philippines
  • Migz Zubiri hindi naka-attend sa SONA noong Lunes dahil nagpositibo na naman sa COVID-19
  • Nagpasailalim siya sa confirmatory test sa Philippine Red Cross
  • Lumabas ang resulta ng confirmatory test nitong Martes at nalamang negatibo siya sa COVID-19

Muling nagpositibo si Senator Migz Zubiri sa COVID-19 nitong Lunes, Ika-27 ng Hulyo, matapos nitong gumaling sa sakit noong buwan ng Abril.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Hindi dumalo ang senador sa SONA presentation ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil positibo ang swab test sa kanya. Ang swab test ay required sa lahat ng dumalo sa event.

“To allay the rumors on why I was not able to attend the Sona presentation in the Batasan is because even after 3 rapid tests that showed that I was negative for COVID-19 but possessing antibodies with positive IGg,” mensahe ni Sen. Zubiri.

“According to doctors, it is possible that the test detected remnants of the dead virus cells in my body as I am a survivor,” pahayag pa niya.

Upang masiguro ang sinabi ng mga doktor na posibleng remnants ng mga dead virus cells ang na-detect sa katawan niya ay nagpasailalim siya sa confirmatory test sa Philippine Red Cross noon ding Lunes ng hapon.

“I’m hoping that it’s a negative result there to confirm what our infectious disease experts told me earlier. But it’s better to be safe and to keep everyone safe from this virus. And I will continue to work from isolation virtually until I get my consecutive negative results after quarantine. Thank you for everyone’s concern,” aniya.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Nitong Martes, July 28, ay lumabas sa resulta ng confirmatory test na negatibo siya sa COVID-19.

““I am negative. My confirmatory test with the Philippine Red Cross has come out and shows that I no longer have live RNA cells of COVID-19,” masayang pahayag ni Sen. Zubiri

Loading…