Milyun-milyon noon, isanlibo na lang ngayon ang pinayagang sa taunang Hajj pilgrimage

Screenshot mula sa video ng Al Jazeera
  • Humigit-kumulang isanlibong Muslim pilgrims lang ang pinayagan na magtungo sa Mecca para sa Hajj
  • Ito ay dahil sa pag-iingat ng Saudi Arabian government sa COVID-19 pandemic
  • Noong mga nakaraang taon ay milyun-milyon ang mga pilgrims na dumarayo sa Mecca para sa taunang Hajj

Ibang-iba ngayon ang Hajj o ang taunang pilgrimage o paglalakbay ng mga Muslim patungo sa sagradong siyudad ng Mecca sa Saudi Arabia kung saan naroon ang Kaaba.

Screenshot mula sa video ng Al Jazeera

Noon ay milyun-milyong mga Muslim pilgrims ang nagtutungo sa Mecca subalit ngayon ay humigit-kumulang isanlibo lang ang pinayagan ng Saudi Arabian government lumahok sa Hajj bilang pag-iingat dahil sa umiiral na COVID-19 pandemic.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng ilang dekada na ipinagbawal ng Saudi Arabia ang mga Hajj pilgrims mula sa ibang bansa.

Nilinaw ni Khalid bin Qarar Al-Harbi, ang director ng public security ng Saudi Arabia, na wala namang banta sa seguridad ng kaharian. Nais lamang nilang maproteksyunan ang kalusugan ng mga pilgrims.

“There are no security-related concerns in this pilgrimage, but it is to protect pilgrims from the danger of the pandemic,” aniya.

Ang 70% ng mga pinayagang dumalo ay mga banyaga na residente ng Saudi Arabia at ang natitirang 30% ay mga Saudi nationals.

Screenshot mula sa Al Jazeera video

“Hajj in 2020 is a truly exceptional pilgrimage by all measures. Due to the exceptional global health circumstances caused by the coronavirus pandemic, strict precautionary measures have been applied to ensure a healthy Hajj for all pilgrims,” sabi ng Saudi Minister of Hajj and Umrah na si Muhammad Saleh bin Taher Benten.

Ang mga pilgrims ay required magsuot ng face mask at mag-observe ng physical distancing habang ginagawa ang mga religious rites na makukumpleto sa loob ng anim na araw.

Ang Hajj pilgrimage ay nagsimula noong July 28 at matatapos sa August 2.

 

Source :

CNN, Al Jazeera

Loading…