Miss PH Earth candidate, ‘di nakadalo sa pre-competition upang gampanan ang pagiging frontliner

Imahe mula sa Instagram | Hannah Bithiah Meriño
  • Hindi nakadalo sa Cultural Attire Competition ng Miss Philippines Earth ang isang kandidata dahil sa tawag ng kaniyang tungkulin bilang frontliner
  • Kabilang ang flight attendant na si Hannah Bithiah Meriño sa mga sumundo sa mga overseas Filipino workers sa Dubai
  • Aniya, hindi man niya naisuot ang kaniyang cultural attire ay nagawa naman niyang magsuot ng ibang costume bilang bahagi ng paglilingkod sa mga Pilipino

Handang-handa na sana para sa Cultural Attire Competition ng Miss Philippines Earth ang flight attendant na si Hannah Bithiah Meriño ngunit kinailangan niyang unahin ang biglaang tawag ng kaniyang tungkulin bilang isang frontliner.

Imahe mula sa Instagram | Hannah Bithiah Meriño

Kuwento ni Hannah sa opisyal na pahina ng pageant, ilang araw bago ang nakatakdang aktibidad ay inatasan siyang pumunta sa Dubai.

“I was asked to fly [there] to pick up OFWs (overseas Filipino workers) and bring them back to the Philippines,” aniya.

Maaari pa sana siyang makahabol sa Cultural Attire Competition kung nasunod ang orihinal na schedule ng kanilang arrival na 9 a.m. noong June 24 ngunit na-reschedule ito. 

“Sadly, considering the travel time to the office – apartment – Laguna, I won’t be able to make it to the competition anymore,” paglalahad niya.

Imahe mula sa Instagram | Hannah Bithiah Meriño

Ikinalungkot niya ito dahil isa ito sa mga huling activity para sa pageant. “I still feel glad at the same time because considering the situation and all the restrictions, I am still able to participate in the pageant and work at the same time — doing both my passions during the pandemic.”

“Even if I was not able to wear my cultural costume last Wednesday, I was given the chance to wear a different costume in service to the Filipino people,” dagdag niya.

Nagpasalamat din siya sa pamunuan ng Miss Philippines Earth sa pag-unawa sa kaniyang responsibilidad.

Nakatakda ang grand coronation ng pageant sa Linggo. “Whatever happens, I’m beyond grateful for all the love and support. I did not expect a lot of people would be there for me throughout this journey,” saad niya sa isang Instagram post.

Loading…