MMDA balak ipalipat sa kaliwa ang mga pintuan ng mga bus na dumadaan sa EDSA Busway

Imahe mula sa DOTr
  • Balak i-require ng MMDA na ilagay sa kaliwa ang pintuan ng mga bus
  • Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong sumasakay at bumababa sa gitna ng EDSA
  • Ang EDSA Busway ay nagsimula nang mag-operate ngayong Miyerkules, July 1

Pinaplano ng Metropolitan Manila Development Authority na i-require sa mga bus na dumaraan sa EDSA Busway na ilipat sa kaliwa ang kanilang pintuan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasaherong sumasakay at bumababa sa gitna ng EDSA.

Imahe mula sa DOTr

“Ang long term plan, we will require lahat ng buses, i-move sakayan at babaan sa kaliwa na rin. Isang pasukan isang babaan para mabilis, hindi magtatagal,” pahayag ni MMDA chairman Danilo Lim sa press briefing sa MMDA Headquarters sa Makati City noong Martes, June 30.

Gumawa ng mga bus stops ang MMDA sa gitna ng EDSA mula nang ilipat ang bus lanes sa innermost lane (kaliwa) mula sa kanang bahagi ng highway.

Sa kasalukuyan ay mayroon pa ring bus stops sa sidewalk ng EDSA habang hindi pa natatapos ang lahat ng bus stops sa gitna ng highway at hindi pa nailalatag ang mga concrete barriers.

Nagpahayag naman ng pagtutol sa plano ng MMDA ang isang grupo ng mga operators ng provincial buses.

“Kung ginawa mo ‘yan nagpalit-palit, naglagay ka ng pintuan sa kaliwa, hindi mo magagamit sa ibang kalsada except sa EDSA,” Alex Yague, ang lider ng Provincial Bus Operations Association of the Philippines.

Imahe mula sa DOTr

Ang mga bus na lalagyan ng pintuan sa kaliwa ay mananatiling nakatali na lang sa EDSA at hindi na maaaring gamitin sa ibang kalsada sa bansa, sabi ni Yague.

Bukod pa roon, lubhang napakamahal daw ng magagastos sa paglipat ng pintuan. Posible rin umanong i-void ng manufacturer ang warranty sa mga bus dahil binago ang structural integrity.

Ang interim operations ng EDSA Busway ay nagsimula na nitong Miyerkules, July 1.

Imahe mula sa DOTr
Source :

Wheels, Inquirer

Loading…