Mrs. Pacman: Jinkee Pacquiao sumabak na rin sa pagboboksing

Screenshot mula sa video ni Manny Pacquiao
  • Sumabak na rin si Jinkee Pacquiao sa pagboboksing
  • Ibinahagi ni Manny Pacquiao sa social media ang pag-train niya sa kanyang asawa
  • Para kay Jinkee, si Manny ang best fighter at ang best trainer in the world

Tinatawag ng marami si Jinkee Pacquiao bilang Mrs. Pacman dahil asawa niya ang kaisa-isang eight-division world boxing champion na si Manny Pacquiao na bantog sa buong mundo sa bansag na Pacman.

Screenshot mula sa video ni Manny Pacquiao

Kilala rin si Jinkee na isang social media personality na madalas makitang suot ang mga mamahalin niyang mga damit at mga de-klaseng bag na galing pa sa ibang bansa kaya naman nagulat ang maraming netizens sa isang video na ibinahagi ni Manny sa kanyang social media accounts.

Suot ang simpleng boxing outfit at kulay pulang gloves, makikita sa video na nagpapakawala ng mga kumbinasyon si Jinkee sa focus mitts na hawak ng asawa. Pinasok na rin niya ang pagboboksing!

“Manny Pacquiao, best fighter in the world and best trainer in the world,” pakli ni Mrs. Pacman sa video.

Sinang-ayunan naman ito ng ilang netizen na nagbigay ng komento sa pagsasanay ni Jinkee sa boxing.

“Great job. You have the greatest fighter in the world training you! Can’t go wrong.”

“Absolutely Correct. the best of best nothing else. The only one best fighter in this planet. May Almighty God give you good health and long life.”

Screenshot mula sa video ni Manny Pacquiao

Ilan pang netizens ang nagbigay ng mga nakaaaliw na  mga komento na pabirong pinag-iingat si Manny sa uppercut at mga kumbinasyon ni Jinkee.

“Better watch out for her upper cut.”

“I don’t doubt that your wife will beat you up in a fight!” 

“Training your wife to box… isn’t it a bad idea?

“Don’t mess with @jinkeepacquiao now. She can knock you down. Galing.”

 Kamakailan lang, isang video rin ang ipinost ni Manny Pacquiao sa Facebook kung saan makikitang hindi pa rin nawawala ang bilis ng kanyang mga kamao sa pagbira sa punching bag.

Loading…