Muling pagbubukas ng internet shops, gyms, drive-in cinemas simula August 1 aprub na sa IATF

Imahe mula sa CDODev
  • Internet shops, gyms, review centers, drive-in cinemas at ilan pang negosyo ay pinayagan nang makapag-operate simula August 1 sa mga GCQ areas
  • Hanggang 30 percent lang ng operation capacity ang papayagan
  • Posibleng itaas ang operating capacity sa 50% depende sa pagsunod ng mga establisimyento sa minimum health protocols

Inaprubahan na ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang balik-operasyon ng mga internet shops, gyms, at drive-in cinemas simula August 1 sa mga general community quarantine (GCQ) areas.

Imahe mula sa CDODev

Kabilang din ang mga testing at tutorial centers, review centers, fitness centers, sports facilities, pet grooming at iba pang establisimyentong nag-o-offer ng personal grooming at aesthetic services ang maaari nang makapag-operate muli sa susunod na buwan.

“Confirmed na, decision na po ito pero effective Aug. 1. Ang mindset naman ng buong IATF ay tulungan ang Presidente para ma-reopen ang economy tsaka madagdagan ang mga trabaho, mga workers makabalik na,” pahayag ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.

“’Yung Internet cafe dahil sa education at trabaho, dahil sa blended learning mga e-learning kaya in-open din ‘yun,”  dagdag pa ng kalihim.

Sa ngayon ay hanggang 30 percent ng capacity ng establishment lang ang papayagan at kailangang sumunod sa minimum health protocols.

Imahe mula sa Pixabay

Maaari pa namang itaas ang operating capacity depende sa pagsunod ng mga establisimyento sa mga health protocols na ipinatutupad ng IATF upang masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga customers at maging ng mga kawani.

“Pero don’t worry. Katulad naman nung nangyari sa barbershop and dine-in restaurants, after a few weeks, kapag maganda ang compliance nila sa health protocol at sumusunod po sila doon, may allowance tayo na mag-i-increase din ang capacity to 50 percent,” ani Sec. Lopez.

Imahe mula sa DTI

Nanatili namang ipinagbabawal ang operasyon ng sabungan, beerhouses at kids entertainment sa anumang uri ng community quarantine. Hindi pa rin pinapayagan ang group exercises tulad ng Zumba.

Loading…