Munting bata na nagligtas sa kapatid mula sa isang aso reregaluhan ni Chris Evans ng Captain America Shield

Imahe mula sa Instagram account ni Nikki Walker
  • Munting batang lalaki iniligtas ang nakababatang kapatid mula sa isang sumusugod na aso
  • Pumagitna ang batang bayani sa pagitan ng aso at ng kapatid kaya siya ang nabalingan nito
  • Pinuri ni Chris “Captain America” Evans ang munting bayani at ipinangakong ibibigay dito ang orihinal na Captain America Shield

Siya na kaya ang bagong miyembro ng “Avengers?”

Imahe mula sa Instagram account ni Nikki Walker

Isang anim na taong gulang na batang lalaki na kinilalang si Bridger Walker ang itinanghal na bayani matapos niyang iligtas ang nakababatang kapatid na babae mula sa isang umaatakeng aso noong July 9.

Pumagitna ang munting bayani sa pagitan ng aso at kapatid kaya’t siya ang sinugod ng aso na nagresulta sa marami niyang sugat sa mukha at ulo. Nang makatiyempo ay hinila ni Bridger ang kapatid palayo sa aso patungo sa mas ligtas na lugar.

Matapos ang insidente ay ganito raw ang sinambit ng matapang na bata: “If someone had to die, I thought it should be me.”

Humigit-kumulang 90 stitches ang kinailangan upang isara ang mga sugat niya. Ligtas nang nagpapagaling sa kanilang bahay si Bridger.

Screenshot ng Instagram post ni Nikki Walker

Ibinahagi sa social media ng kanyang tiyahin na si Nikki Walker ang pangyayari upang manawagan sa mga superheroes na magbigay ng ilang encouraging words para sa pamangkin.

“He got home from the hospital last night. I know it’s a long shot, but I’m reaching out to the Avengers and other heroes so that they can learn about this latest addition to their ranks,” bahagi ng Instagram post ni Nikki.

“We know that our little hero would love some words of encouragement from his favorite heroes,” sabi pa niya sa isa pang Instagram post.

Nakarating ang mensahe ni Nikki Walker kay Chris Evans, ang aktor na gumanap bilang Captain America. Nagbigay siya ng mensahe kay Bridger tungkol sa kabayanihang ginawa para sa munting kapatid. At nang malaman ng aktor na isang Captain America fan ang batang lalaki ay ipinangako niyang ibibigay dito ang orihinal na Captain America Shield na ginamit niya sa pelikula.

Imahe mula sa Facebook account ni Chris Evans

Narito ang bahagi ng mensahe ni Chris Evans kay Bridger:

“Hey Bridger. Captain America here. How are you doing, buddy? I read your story and saw what you did. I’m sure you’ve heard a lot of this over the last couple of days but let me be the next one to tell you: pal, you’re a hero. What you did was so brave, so selfless. Your sister is so lucky to have you as a big brother. Your parents must be so proud of you.”

Sa video ng mensahe ni Chris Evans, makikita si Bridger na nakasuot ng Captain America costume.

Screenshot ng video ni Chris Evans

Loading…