Nabaon sa utang ang kapatid, ‘di nirespeto ang pamilya: Sharon naglabas ng hinaing laban kay Duterte, DDS

Image by Sharon Cuneta via Facebook
  • Naglabas ng hinaing laban sa kasalukuyang administrasyon si Sharon Cuneta
  • Aniya, kung nanahimik siya sa mga pambabastos noon, hindi sa ginagawa ng mga ito sa kanyang anak
  • Matatawag na raw siyang masamang asawa at ina kung ipagpapatuloy ang pagkimi at mananatiling nakangiti sa gitna ng nararanasan ng kanyang pamilya

Hindi na napigilan ni Megastar Sharon Cuneta ang sarili at naglabas na ng sama ng loob sa social media ukol sa mga pambabastos umanong nararanasan ng kanyang pamilya mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, Inday Sara at sa mga tagasuporta na DDS.

“Si Inday Sara, NIRESPETO NIYO BA AKO AT ANG ANAK KO?,” pambungad sa mahabang post ng sikat na mang-aawit.

Image by Sharon Cuneta via Facebook

Aniya, matagal siyang nanahimik at hindi nagsalita kahit na noong sinabi ni Duterte na naghiwalay na sila ni Sen. Kiko Pangilinan at magre-resign daw ang pangulo kung hindi ito totoo na ikinagulat ng buo nilang pamilya.

Nasundan daw ito ng pagkumbinsi ng pangulo sa kanyang kapatid na si Chet Cuneta para tumakbo bilang alkalde ng Pasay City at laking tuwa nila noon. Kaya lamang, nagulat sila nang inendorso din ng administrasyon si Emi Calixto-Rubiciano na siyang nanalo noong eleksyon.

“Nagkabaon-baon sa utang ang kapatid ko kasi wala naman kaming nakuhang tulong. Tuwang-tuwa kami noong inendorso siya ng Pangulo at ni Inday Sara. Tapos nagulat kami pati ang kalaban niya ay inendorso din.  MAY NARINIG BA KAYO SA AMIN KAHIT NASAKTAN KAMI? WALA.”

Kung pinalampas man umano niya ang mga ito, hindi ang pambabastos ng DDS sa anak niyang si Kakie na nakatanggap pa ng banta ng panggagahasa.

Sobra na umano ang kanilang nararanasan at ilang beses na silang nasaktan. Sabi nito, matatawag na umano siyang masamang asawa at ina kapag ipagpapatuloy pa niya ang pagkimi at mananatiling nakangiti.

Imahe mula sa PNA

Patuloy pa rin daw niyang ituturing na kaibigan ang pangulo at si Inday Sara pero hindi na bilang “KASAMA” dahil paninindigan at pipiliin niya sa pagkakataong ito ang kanyang pamilya.

Binura ng Megastar ang post kalaunan.

Sharon Cuneta hopes Leni Robredo becomes president in 2022

Nauna nang sinabi ni Sharon na umaasa siyang sana ay tumakbo at manalo bilang pangulo ng bansa si VP Leni Robredo. Baka sakali, wika niya, na bumalik ang pagkadisente ng maraming Pilipino.

Samantala, nito lamang gabi ng Hulyo 4 ay ipinost niya ang pasasalamat sa isang entertainment columnist na nagtanggol sa kaniya mula sa mga bashers.

Aniya, “Mr. Alex Brosas, hindi ko inexpect ito. Pero you have no idea how much this means to me. I keep telling myself na anuman ang sabihin ng mga mapanirang tao, basta alam ng Diyos at ng mga totoong nakakakilala sa akin ang tunay na hangarin at puso ko, tama na sa akin yon. Tapos may magsusulat ng ganitong derecho ang tama sa puso ko kahit hindi ko naman nakakausap o ka-close. You really just have no idea how much this has lifted my spirits tonight.”

Dagdag pa nito, “At least I know how to make a stand. Otherwise I’ll fall for anything, right? And my intentions are ALWAYS sincere. NO MATTER WHAT OTHERS MAY SAY. God knows that. I never use His name in vain because I fear Him. Thank you for honoring me, giving me hope, by just a few strokes of your pen. May God bless you. I am so grateful. P.S. Ang isa sa pinagtatawanan ng pamilya ko, mga kaibigan, ay ang hindi ko kayang umarte unless may script at movie camera. Hindi ko kaya umakting pag pang IG o YouTube unless Teleserye po ito! Trabaho ko na iuuwi ko pa? Never pa nangyari. Sorry.”

Loading…