Naggagandahang bulaklak sumibol sa Cagsawa Ruins sa Daraga, Albay

Screenshot mula sa GMA video
  • Cagsawa Ruins Park and Resort sa Albay muling binuksan sa publiko
  • Tatambad sa mga turista ang mga naggagandahang bulaklak na sumibol sa Cagsawa Ruins
  • Tiyak na Instagrammable at Facebook-perfect ang mga selfie photos na kukunan sa gitna ng mga magagandang bulaklak habang nasa background ang Mayon Volcano

Noong Hunyo ay muling binuksan sa publiko ang parke kung saan matatagpuan ang makasaysayang landmark sa Daraga, Albay – ang Cagsawa Ruins – halos apat na buwan ang nakalipas mula nang isara ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Screenshot mula sa GMA video

Ang Cagsawa Ruins ang itinuturing na the best vantage point para masilayan ang nakamamanghang kagandahan ng Mayon Volcano.

Habang dahan-dahang niluluwagan ng pamahalaan ang mga quarantine restrictions, ang mga tourism activities naman sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine, tulad ng Albay, ay unti-unting ibinabalik. Kabilang na nga dito ang Cagsawa Ruins.

Sa unang araw ng pagbubukas ng parke, muli na namang nasilayan ang buong karilagan ng Bulkang Mayon. Ang perpektong cone shape nito na napakaganda sa paningin ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi kumpleto ang pagbisita sa Albay kapag hindi pumasyal sa Cagsawa Ruins.

Ngayon, hindi lang ang magandang view ng “Daragang Magayon,” isang bansag sa bulkan na ang ibig sabihin ay magandang binibini, ang dinarayo ng mga turista sa Cagsawa Ruins kundi ang mga naggagandahang mga bulaklak na muling sumibol matapos ang mahigit tatlong buwang lockdown.

Screenshot mula sa GMA video

Maaaring magpakuha ng litrato o mag-selfie sa gitna ng mga sari-saring bulaklak habang nasa bagkground ang kahanga-hangang Mayon Volcano. Tiyak na ang mga selfie photos ay Instagrammable at Facebook-perfect.

Siniguro ng pamunuan ng Cagsawa Park na sinusunod nila ang minimum public health protocols upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga turista. Hindi hihigit sa 100 persons ang maaaring papasukin – kapag may lumabas saka pa lang magpapapasok ulit.

Imahe mula sa Facebook page ng Cagsawa Ruins Park and Resort

 

May foot bath sa entrance, kailangang maghugas ng kamay ang mga turista, magpahid ng alcohol, kukunan ng temperature at magpi-fill up ng logbook para sa contact information sakaling kailanganin ang contact tracing.

Dasal ng mga miyembro ng Cagsawa Business Organization na sana ay matapos na ang pandemic upang buong-layang mamasdan ng mga turista ang kagandahan ng lugar.

Loading…