Naglabas ng legal basis: Kim Chiu dismayado sa pagsusulat ni Cong. Remulla habang pinapatugtog ang Lupang Hinirang

Image by Kim Chiu via social media
  • Kim Chiu naglabas ng pagkadismaya sa pagsusulat ni Cong. Remulla habang pinapatugtog ang pambansang awit sa Kamara
  • Ibinahagi pa niya ang post tungkol sa RA 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines
  • Kim: “Is this another issue na hahayaan na lang “ulit” dahil sila ay….”

Nagpahayag ng pagkadismaya at naglabas pa ng legal na basehan ang Kapamilya actress na si Kim Chiu kaugnay sa pagsusulat ng isang mambabatas habang pinapatugtog ang pambansang awit sa Kamara.

Image by Kim Chiu via social media

Ibinahagi ng Chinita Princess sa social media ang larawan ni Cavite Rep. Jesus Crispin Remulla na nagsusulat habang pinapatugtog ang Lupang Hinirang. “Saw this online,” aniya.

Kuha ang larawan sa pagdinig ng Kongreso ukol sa pagbibigay ng panibagong 25-year-franchise sa ABS-CBN.

Kaugnay dito, ibinahagi ng aktres ang post ukol sa Republic Act 8491 o Flag and Heraldic Code of the Philippines. Nakasaad sa batas na kinakailangang palaging magpakita ng paggalang at respeto sa watawat, sa pambansang awit at iba pang national symbols.

Ang lalabag dito ay maaaring pagmultahin ng P5,000.00 hanggang P20,000.00 at/o makulong ng hindi hihigit sa isang taon depende sa desisyon ng korte.

Pahayag ni Kim, “Is this another issue na hahayaan na lang “ulit” dahil sila ay…. nakakaiyak na ang mga nangyayari, sa totoo lang.”

Samantala, nauna nang humingi ng tawad si Remulla sa pangyayari at sinabing nakahanda siyang magmulta sa pagkakamali.

Image by Kim Chiu via Twitter

“I’d like to apologize for an earlier incident na ako po’y may sinusulat na note nung nagfa-flag ceremony tayo. Magbabayad tayo kung kinakailangan po, kung saan po.”

Gov. Remulla may payo kay Rep. Remulla: “We owe the people to be respectful”

May mensahe naman si Cavite Governor Jonvic Remulla sa kapatid kaugnay sa pangyayari.

“We have attended countless flag ceremonies together in the Capitol. We have always come on time. We have always treated the people with respect. We have always stood and held our hands to our chest. That wasn’t you on the Batasan floor. You were never like that,” sabi ng gobernador.

Imahe via Facebook| Gov. Remulla

Loading…