Naglalako ng gamit sa umaga, nagtitinda ng balut sa gabi: Bata, kumakayod para sa pamilya

Imahe mula sa video ng Wish Ko Lang via Facebook
  • Hindi napigilan ng netizens na mapahanga sa isang bata na kumakayod mula umaga hanggang gabi
  • Kinailangan niyang matutong dumiskarte dahil parehong may sakit ang kaniyang mga magulang
  • Baldado na ang kaniyang ama habang may tubercul0sis naman ang kaniyang nanay

Maagang natutong magbanat ng buto ang isang bata mula sa North Caloocan na tampok sa Wish Ko Lang matapos na magkasakit ang kaniyang mga magulang.

Imahe mula sa video ng Wish Ko Lang via Facebook

Ayon sa GMA Public Affairs, sa halip na maglaro ay naghahanapbuhay ang batang si Manny dahil baldado na ang kaniyang ama habang may tubercul0sis naman ang kaniyang ina. 

Naglalako si Manny ng mga kasangkapan sa bahay kapag umaga. Kapag sumapit ang hapon ay nagsisimula na siyang magtinda ng balut.

Naging mas mahirap ang kanilang kalagayan dahil sa mga limitasyon sa paglabas ngayong nasa community quarantine ang bansa. Sa kabila nito ay nananatiling matatag ang bata alang alang-alang sa kaniyang mga magulang.

“Makita ko lang na masaya ang mga magulang ko, masaya na ako,” aniya.

Dahil sa kaniyang sakripisyo ay maraming netizens ang humanga sa kaniya.

Imahe mula sa video ng Wish Ko Lang via Facebook

“God bless our children with golden hearts na walang hinangad kung hindi makatulong sa magulang. Bagama’t ‘di natin sila inoobliga pero naroon ang hangarin nilang mapagaan o mapaganda buhay ng magulang at pamilya nila. Saludo ako sa inyo! Maswerte ako dahil may ganito akong anak,” komento ng isang netizen.

Sabi naman ni O. Bacolod, bihira na lang ngayon ang mga batang kagaya ni Manny. “Sobrang proud na proud ang mga magulang mo sa’yo. Sana maging inspirasyon ka sa maraming bata ngayon. God bless, young man.”

Panalangin din nila, sana ay makaahon din ang bata at ang kaniyang pamilya. 

“You will reap every single reward of helping and sacrificing for your family. May God Almighty always protect you whenever you are out there working hard to earn for your family,” ani Nize A.

Loading…