Nagpakilalang anak ni John Regala, gustong makita ang ama na matagal nang hinahanap

Imahe mula sa Facebook page ng Radyo inquirer San Carlos
  • Isang 24-anyos na binata mula sa Batangas ang nagsasabing anak siya ni John Regala
  • Humingi ng tulong sa Cabinet Files ang isang barangay kagawad sa Tanauan upang magkakilala ang mag-ama
  • Handa umanong magpa-DNA test ang binata upang makumpirma kung talagang anak siya ng aktor

Isang barangay kagawad ang humingi ng tulong kay Ginoong Jojo Gabinete ng Cabinet Files na maipakilala sa aktor na si John Regala ang sinasabing anak nitong lalaki na matagal nang hinahanap ang ama.

Imahe mula sa Facebook page ng Radyo inquirer San Carlos

Kamakailan lang ay muling napabalita sa mga pahayagan si John Regala matapos niyang humigi ng tulong sa isang Grab delivery rider nang makaramadam ng pagkahilo. Napag-alaman na may mga iniindang sakit ang dating mahusay na aktor.

Ayon kay Gabinete, lumapit sa kanya si Gloria Silva del Mundo, kagawad ng Barangay Banjo East sa Tanauan, upang ihingi ng tulong ang 24-anyos na si John Santos na makilala ng aktor.

Anak umano ni John Regala ang binata sa isang dating entertainer sa Japan na nagngangalang Vilma Santos, kapangalan na Batangas Representative at dating aktres na si Vilma Santos-Recto.

Kwento ng barangay kagawad, sa Japan daw nagkakilala ang aktor at ang ina ni John Santos. Nang malaman diumano ni John Regala na buntis na si Vilma, hindi raw ito naniwala na siya ang ama ng bata sa sinapupunan ng karelasyon.

Imahe mula kay Carlo Santi S. Clariza

“Parang ang sabi raw po nung tatay, hindi siya sigurado na anak niya si John [Santos]. Pero ang sabi ng ina, si John Regala ang tatay,” ani Del Mundo.

Seven years old na si John Santos nang umuwi silang mag-ina sa Batangas buhat sa Japan.  Ang lola raw nito ang kumupkop sa bata.

“Kamukha po si John ng father niya. Malaki siyang tao, kamukhang-kamukha siya ng tatay niya. Mabait siya,” pagsasalarawan ni  Del Mundo sa sinasabing anak ng aktor.

Handa naman umanong magpa-DNA test ang binata upang makumpirma kung talagang anak siya ni John Regala.

Imahe mula sa Facebook page ng Radyo inquirer San Carlos

Loading…