Nasubukan mo na bang magpalaman ng sinigang sa tinapay?

  • Ikinagulat ng mga netizens na maaari palang ipalaman ang sinigang sa tinapay
  • Iyan ang itinampok sa Facebook page na “Rant”
  • Maituturing na sariling sopas o sabaw ng mga Pilipino ang sinigang na kilala at namumukod-tangi dahil sa taglay nitong asim

Isa sa mga paboritong ulam ng mga Pilipino ang sinigang. Sa katunayan, napakaraming uri ng sinigang na talaga namang nakapagpapatulo ng laway at nakapagpapaasim sa panlasa ng mga Pinoy: Masarap itong i-ulam sa mainit at umusok-usok pang kanin.

Subalit nakarinig na ba kayo na maaari palang ipalaman ang sinigang sa tinapay? Iyan ang ikinagulat ng mga netizens sa itinampok na larawan ng Facebook page na “Rant.” Makikita kasi sa larawan na hawak ng isang tao ang tinapay at may palaman itong karne at gulay mula sa sinigang. Tinawag itong “Sinigang sa tinapay.”

Imahe mula sa Facebook page na Rant / Public Domain Image

Narito ang reaksyon at komento ng mga netizens:

“Grabe… mas pipiliin ko na lang na kainin nang walang palaman ang tinapay o kaya papakin ang sinigang kaysa ipalaman! Pero wala naman masama kung susubukin,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Parang hindi match? Hehehe. Ano kayang lasa? Sana nilagyan din ng sili para may anghang hahahaha.”

“Naku, masubukan nga minsan kung anong lasa hehehe. Parang hindi masarap? What do you think guys?” wika naman ng isa.

Maituturing na sariling sopas o sabaw ng mga Pilipino ang sinigang na kilala at namumukod-tangi dahil sa taglay nitong asim. Hindi maituturing na sinigang ang sinigang kung hindi ito maasim. Sa makalumang paraan ng pagluluto, sikat na pang-asim ang sampalok, kamyas, at calamansi.

Subalit sa ibang lalawigan, ginagamit ding pampaasim ang bayabas, santol, hilaw na mangga, alibangbang o butterfly tree leaves, biasong, binukaw, at libas. Masarap din itong kainin kapag may patis o fish sauce sa Ingles.

Public Domain Image

Ang iba’t ibang uri naman ng sinigang depende sa pinakapangunahing sahog ay sinigang na baboy, sinigang na manok o tinatawag na sinampalukang manok, sinigang na isda, sinigang na hipon, at sinigang na baka.

Loading…