National ID posibleng ipatupad bago matapos ang taon – NEDA

Imahe mula sa PNA
  • Maaaring ipatupad ang national ID system bago matapos ang 2020
  • Isang bahagi na lamang umano ang kulang, ayon sa NEDA
  • Nais namang ipatigil ni Rep. Pichay ang implementasyon nito dahil umano sa katiwalian

Posibleng ipatupad ng gobyerno ang implementasyon ng national ID sa kabila ng alegasyon ng  isang mambabatas na may anomalya sa P4-B kontrata nito.

Nitong Miyerkules, ibinahagi ni National Economic and Development (NEDA) acting director general Karl Chua na isang bahagi na lang ang hindi pa nila naia-award sa bidder.

Imahe mula sa Facebook-NEDA

“Most of the procurement packages, except for the systems integrator, were already bid out and awarded and now we are already in the middle of procurement of the last package,” ani Chua.

Nakatakdang i-award ang nasabing proyekto sa darating na Agosto para masimulan na ang paunang registration ng 5 milyong pinuno ng pamilya bago matapos ang taon. Kapag natapos na ito ay isusunod ang 10 milyon pa ulit, ayon kay Chua

“The target really is to prioritize the heads of households so that by middle of next year, we will have 15 million low-income households – at least the heads so they can open bank accounts,” paliwanag ng opisyal.

Anomalya sa kontrata

Samantala, nais namang paimbestigahan ni Deputy Speaker Prospero Pichay Jr. ang diumano’y katiwalian sa kontrata ng National ID Sytem na nagkakahalaga ng P4-B.

Imahe mula sa Facebook ni Rep. Pichay

Partikular na kinuwestiyon ng kongresista, na isa rin sa may-akda ng batas, ang pagdadagdag ng bagong provision sa kontrata kahit lahat ng eligibility requirements ng apat na bidder ay nasunod na.

Dahil umano dito, dalawa na lang sa apat ang natirang bidder. At ang nakapagtataka pa umano ay bigla na lang umatras ang isa sa dalawang natira.

 “This strange event virtually handed over the lucrative P4-billion contract to the lone surviving bidder,” anang mambabatas.

Nanawagan si Pichay kay BSP Governor Benjamin Diokno at Finance Secretary Carlos Dominguez III na itigil muna ang implementasyon ng nasabing batas hangga’t hindi nasasagot ang alegasyon ng katiwalian.

By the end of this year, gov’t aims to register 5 million low-income household heads on national ID system

Loading…