Netflix, Lazada at iba pang digital service providers posibleng patawan na rin ng buwis

Imahe mula sa Netflix, Lazada
  • Pasado na sa House panel ang panukalang pagbubuwis sa mga digital service provider
  • Kabilang dito ang mga sikat na digital platform tulad ng Netflix, Lazada at Spotify
  • Inaasahang makalilikom ang gobyerno ng aabot sa P10-B mula sa nasabing buwis

Maaaring patawan na ng buwis ang mga digital service provider tulad ng Netflix at Lazada matapos maipasa sa House panel ang batas para dito.

Nitong Miyerkules, ika-29 ng Hulyo, tuluyan nang inaprubahan ng House Ways and Means Committee ang panukalang nag-aamiyenda sa Section 105-A ng National Internal Revenue.

Imahe mula sa Spotify

Ito ay nangangahulugang papatawan na rin ng 12% value added tax (VAT) ang mga kumpanyang nag-aalok ng serbisyo sa pamamagitan ng digital at electronic platform, maging lokal man o banyaga, sakaling lumusot ang panukala sa plenaryo.

“Iyong malalaking kumpanya katulad ng Netflix, nagbebenta sa Pilipinas kaya dapat magbayad ng VAT. Pero wala nang income tax kasi we did not require them to have a domicile here,” paliwanag ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Ways and Means committee at isa sa mga may-akda ng batas.

Umaasa naman ang mga mambabatas na makalilikom ang gobyerno ng aabot sa P-10B mula dito; P9-B umano ay magmumula sa mga banyagang kumpanya.

Imahe mula sa PNA

Ang ‘digital service provider’ ay inilalarawan sa batas bilang “an entity which provides digital service or goods to a buyer through an online platform for purposes of buying and selling of goods or services or by making transactions for the provision of digital services on behalf of any person.”

Maliban dito, pasok din umano sa kategorya ang mga sumusunod:

  1. a third party that acts as a conduit for goods or services offered by a supplier to a buyer and receives commission therefor;
  2. a platform provider for promotion that uses the internet to deliver marketing messages to attract buyers;
  3. a host of online auctions conducted through the internet, where the seller sells the product or service to the person who bids the highest price;
  4. a supplier of digital services to a buyer in exchange for a regular subscription fee over the usage of the said product or service; and
  5. a supplier of electronic and online services that can be delivered through an information technology infrastructure, such as the internet.

Loading…