Netizen sa amang tricycle driver: May pangarap silang tinutupad

Imahe mula sa Facebook | J Capacio
  • Ipinagmalaki ng isang netizen ang kaniyang ama na tricycle driver
  • Bukod sa pagkayod nito upang mapagtapos silang tatlong magkakapatid ay ipinagamot din niya ang anak na may bone tumor
  • Ito ay matapos ng kontrobersyal na pahayag ng isang netizen tungkol sa isang tricycle driver

Ibinida ng isang netizen ang kaniyang ama na isang tricycle driver kasabay ng kontrobersyal na pahayag ng isang vlogger tungkol sa mga ito.

Imahe mula sa Facebook | J Capacio

Sa isang Facebook post ay ibinahagi ni J Capacio ang mga larawan nila ng namayapang ama sa kaniyang pagtatapos. “Tatlo kaming pinagtapos niya sa kolehiyo. Halos hindi na ‘yan umuuwi sa kapapasada,” kuwento ni J.

Bukod sa pagpapaaral sa kanilang magkakapatid ay tinustusan din ng kaniyang ama ang pagpapagamot sa kaniyang bone tum0r. 

“Hindi mo alam ang nasa likod ng araw-araw nilang pagbibilad sa init at alikabok sa lansangan. May pangarap silang tinutupad, Buknoy. Mag-aral ka pa. Marami ka pa ring dapat na matutunan,” dagdag niya pa.

Nagdiwang kamakailan ng kaarawan ang kaniyang ama at hiling niya na sana ay masaya ito sa kabilang buhay. “Saglit mo lang naranasan ang katas ng lahat ng paghihirap mo pero alam kong masaya ka na riyan na nakikita kaming maayos,” sabi niya pa. “Gabayan mo rin itong si Buknoy, ‘Tay. Nawa’y tumuwid ang isip niya.”

Imahe mula sa Instagram | Buknoy Glamurrr

Naging kontrobersyal ang bahagi ng isang video ng vlogger na si Buknoy Glamurr kung saan minaliit niya ang isang tricycle driver.

“Ang gusto ko talagang sabihin sa inyo is ‘wag na ‘wag kayong sumukong mangarap. ‘Wag na ‘wag kayong sumuko na tuparin ‘yong mga pangarap ninyo kasi kung hindi kayo magsusumikap sa buhay, walang-wala kayong mararating. Tulad nito,” ani Buknoy sabay tutok ng camera sa isang dumaraang tricycle driver.

Paalala ng isang netizen, “Never make fun of someone’s status just so you can feel that you are above them. I salute everyone na nagkakapera sa malinis na pamamaraan.”

 

Source :

Facebook

Loading…