Nico Bolzico hanga sa multitasking skills ng asawa

Imahe mula sa Instagram | Nico Bolzico
  • Napahanga si Nico Bolzico sa kakayahan ng asawang si Solenn Heussaff na mag-multitask
  • Habang pinakakain kasi ni Solenn ang anak ay nagdo-drawing din ito
  • Ngunit paalala niya, kahit pa sanay ang mga ina sa ganito ay dapat pa rin silang tulungan

Ipinahayag ni Nico Bolzico ang kaniyang paghanga sa kakayahan ng asawang si Solenn Heussaff na mag-multitask.

Imahe mula sa Instagram | Nico Bolzico

Nagbahagi si Nico ng larawan kung saan makikita si Solenn na karga ang kanilang anak na si Thylane habang siya ay nasa kalagitnaan ng pagguhit. “Never underestimate how many tasks a mother can do at the same time,” ani  Nico.

Ngunit hindi raw ito nangangahulugang maaari na lamang iasa sa kanila ang lahat ng mga gawain. “We must always be there to help, make sure they enjoy motherhood, and be a reminder that they need to do things for themselves,” dagdag ni Nico.

Sa loob ng anim na buwan bilang mga bagong magulang ay napagtanto niya raw na kung minsan ay tinutuon ng mga ina ang kanilang buong atensyon sa anak. 

“Our role is to be a strong support system to make sure they can also enjoy life outside motherhood. A happy mum is the best mum,” sabi ni Nico.

Imahe mula sa Instagram | Nico Bolzico

Paglilinaw niya rin sinubukan niyang kunin ang anak mula kay Solenn upang maituloy nito ang pagguhit. “But her Mama gave the ‘don’t touch my daughter when I feed her eyes.'”

Maraming mga mommy ang sumang-ayon kay Nico at humanga sa kaniyang pag-iisip.

“How I wish all fathers and husbands think the way you do. So thoughtful and considerate,” komento ni Tereeze S.

Sabi naman ni Nanz, maraming mga ina ang magiging masaya kung lahat ng mga ama ay kagayang mag-isip ni Nico. “Nico here be setting the highest standard for fathers,” sabi naman ni Sheena M.

Noong Mayo ay nagdiwang ng kanilang fourth wedding anniversary ang mag-asawa. Bago ito ay limang taon silang magkarelasyon.

Source :

Instagram

Loading…