Nico Bolzico may sweet na mensahe para sa kaarawan ng asawang si Solenn

Imahe mula sa Instagram | Nico Bolzico

 

  • Nagbigay ng isang sweet na mensahe si Nico Bolzico para sa ika-35 na kaarawan ng asawang si Solenn Heussaff
  • Ibinahagi niya ang sampung ebolusyon ni Solenn sa loob ng mga taon na nakasama niya ito
  • Espesyal ang kaarawan na ito ni Solenn  dahil ito ang unang taon na kasama nila ang anak na si Thylane Katana

 

Para sa ika-35 na kaarawan ng asawang si Solenn Heussaff ay ibinahagi ni Nico Bolzico ang nasaksihang ebolusyon ng asawa sa loob ng sampung taon na nakasama niya ito.

Imahe mula sa Instagram | Solenn Heussaff

Nong una, si Solenn daw ay isang babae na nakikita niya lamang sa isang billboard sa EDSA hanggang sa nagsimula na ang kanilang dating stage at kalaunan ay naging exclusively dating na sila. “Only in the Philippines there is a distinction for that, by the way,” biro pa ni Nico.

Nang maging kasintahan ni Nico si Solenn ay hindi raw naniwala ang kaniyang mga kaibigan. “My friends in Argentina did not believe until I made you send that video telling them you were my girlfriend,” aniya.

Ang sumunod na ebolusyon ay ang pagtanggap ni Solenn sa proposal ni Nico hanggang sa ikasal sila sa France.

Ibinahagi rin ni Nico ang punto kung saan tinawagan siya ng asawa upang ibalita sa kaniyang nagdadalantao na siya. “[She] called me crying that she was pregnant because she could not hold it until I get home to tell me personally and went through not an ideal pregnancy like the strongest Spartan warrior.”

Imahe mula sa Instagram | Solenn Heussaff

Mahalagang bahagi rin ng kanilang buhay ang panganganak ni Solenn sa tinawag nila “most incredible miracle in life that multiply our happiness by at lease 67.”

Ngayon, saksi rin daw si Nico kung paanong kahit hindi maganda ang araw ng asawa ay patuloy pa rin ito sa pag-aalaga sa kanila.  Si Solenn daw ang “glue that sticks all our families together.”

Sa lahat ng mga pagbabagong ito, isa lamang ang hindi nagbago, si Solenn daw ay ang “super hot girl completely out of my league.”

Dagdag pa ni Nico, maraming sexy na larawan ni Solenn online ngunit para kaniya ang pinaka-sexy ay ang larawan ni Solenn sa ospital nang isilang nito ang panganay nilang si Thylane Katana. 

“No word invented yet to describe how much we love you, Bebu. Happy birthday, mi amor,” ani Nico. “Also, this is a special birthday for you since it is the first one with #TiliBolz.”

Happy birthday, Solenn!

 

Source :

Instagram

Loading…