No warrant, no entry sa house-to-house search ng COVID-19 patients – Sen. Franklin Drilon

Screenshot mula sa video ng One News PH
  • Kinondena ni Senator Franklin Drilon ang planong house-to-house search ng PNP sa mga COVID-19 patients
  • Sabi ng senador, “no warrant, no entry”
  • Nanawagan si Sen. Drilon sa national government na pag-isipang mabuti ang planong house-to-house search dahil nalalabag umano nito ang karapatan ng mga mamamayan

Binatikos ni Senator Franklin Drilon ang naging pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año na magsasagawa ng house-to-house search ng COVID-19 patients ang Philippine National Police (PNP) upang madala ang mga pasyente sa quarantine facilities ng pamahalaan.

Screenshot mula sa video ng One News PH

Ang pahayag ng kalihim ng Department of Interior and Local Government ay kaugnay ng sinabi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na hindi na nito inirerekomenda ang home quarantine para sa mga COVID-19 patients. Ito ay upang mabawasan daw ang posibilidad na mahawahan ng pasyente ang kanyang mga kaanak na kasama sa iisang bahay kung ito ay naka-home quarantine lang.

Mariing tinutulan ni Sen. Drilon ang plano dahil malalabag umano ang karapatan ng mga mamamayan.

“We have reached a crossroads in our fight against the pandemic that our very government is set to flagrantly violate the very rights that we, the people, have always held to be sacred,” aniya.

“And for this reason, I say: ‘No warrant, no entry!’ I urge the government to revisit their decision to invade our people’s homes,” panawagan niya.

Kung sana ay pinag-isipang mabuti at kumilos nang mabilis ang pamahalaan sa pagtugon sa pandemya ay hindi na umano aabot sa ganitong house-to-house search ng mga pasyente, ayon kay Sen. Drilon.

“If this government had only acted prudently and expeditiously, we would not have reached this point where our state security forces are being commanded to desecrate our inviolable constitutional right to be secure… against unreasonable searches and seizures of whatever nature and for any purpose,” pahayag niya.

Imahe mula sa Senate of the Philippines

Nanawagan siya sa national government na pag-isipang mabuti ang desisyong pasukin ng mga pulis ang tahanan ng mga mamamayan sa paghahanap ng COVID-19 patients.

“We need health professionals to contact trace those affected, not the police to sow fear and panic. We need officials to be creative in their solution, not fascist actions to demand submission,” anang senador.

Loading…