
- Hindi ipagkakait ni Pangulong Duterte sa mga re
beldeng grupo ang bakuna laban sa COVID-19 - Kailangan lamang daw na itigil muna ang la
banan hanggang masugpo ang COVID-19 - Ibibigay ng Pangulo sa mili
tary ang pamamahagi ng bakuna kapag nagkataon
Hindi umano ipagkakait ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng komunista ang bakuna laban sa coronavirus basta tumigil muna ang mga ito sa pakikipaglaban sa puwersa ng gobyerno.
Kung sakali mang magkaroon na ng vaccine, ayon sa commander-in-chief, ibibigay niya ang pamamahagi nito sa militar kaya dapat ay pansamantalang ibaba muna ng rebeldeng grupo ang kanilang mga armas hanggang Disyembre.

“Ang mga NPA, papabakunahan ko ba? If you stop fighting for a while during the period or until December, kasi my soldiers will be busy monitoring, supervising, ‘wag lang n’yong galawin, puwede kayong sumali, pumila doon,” anang Pangulo nitong Biyernes.
Ganun pa man, nilinaw ni Duterte na hindi ito isang ‘unilateral ceasefire’ kung hindi bilang isang ‘matter of humanity’.
Dati nang nagdeklara ng ‘ceasefire’ ang komunistang grupo noong Marso 26 hanggang Abril 15 sa gitna ng umiiral na pandemya.
“As a matter of humanity, cause it is not our money and because you are a Filipino, sabihin ko sa military, palusutin na ninyo,” ayon sa Presidente.

Ibinida ng Pangulo na posibleng makakuha na ng bakuna laban sa COVID-19 ang Pilipinas mula sa Tsina sa mga darating na buwan.
Kung sakali mang matuloy ito, tiniyak ni Duterte na babalik na sa normal ang buhay ng mga Pilipino.
At para naman sa mga kaaway ng pamahalaan, saka na lamang umano ulit manggulo kapag tapos na ang problema ng COVID-19.
“Post COVID na tayo mag-away ulit. I am just telling you, stop it and allow the normal process of helping the country,” paghihimok ng Pangulo.