NTF chief Galvez, nakiusap na ‘wag na masyadong i-highlight ang ‘mañanita’ ni Sinas

Sec. Galvez| Imahe mula sa OPAPP
  • Nakiusap si NTF chief Carlito Galvez na ‘wag na masyadong i-highlight ang mañanita incident ni Sinas
  • Naresolba na umano ng DILG ang nabanggit na isyu
  • Inaamin naman ni Galvez na mayroon pa ring pagkukulang sa kanilang hanay

Naresolba na at hindi na kailangang balik-balikan pa; ito ang pakiusap ni National Task Force (NTF) chief Carlito Galvez Jr. kaugnay ng mañanita incident na kinasasangkutan ni NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas.

Ayon kay Galvez, ang chief implementor ng gobyerno sa pagsugpo sa COVID-19, lumang isyu na ang nabanggit na kontrobersiya at naresolba na ito ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Sec. Galvez| Imahe mula sa PNA

“I believe it is already an old issue. It has been resolved by DILG. Sa pagkakaalam ko po nagkaroon na ng resolution doon,” ani Galvez.

Dagdag pa ng retiradong heneral, umaasa siyang hindi na pag-uusapan pa ang mañanita incident noong kaarawan ni Sinas lalo pa’t ginagawa naman ng kapulisan ang kanilang trabaho para maipatupad nang maayos ang health protocol tulad ng nangyari sa Cebu City.

“Huwag natin po masyadong i-highlight iyong isang tinatawag nating maybe unfortunate incident kasi ang PNP po, iyan naman po, buong Pilipinas po o ini-implement po nila iyong talagang strict enforcement ng lockdown,” dagdag pa ng opsiyal.

Maj. Gen. Sinas| Imahe mula sa Wikipedia

Inaamin rin ni Galvez na mayroon pa ring pagkukulang ang kanilang hanay at sana ay maintindihan ito ng publiko lalo pa’t ang nabanggit na insidente na nakunan ng larawan ay hindi naman talaga nila alam.

Magugunitang nabatikos si Sinas noong Mayo matapos kumalat sa social media ang mga larawan kung saan maraming bisita ang bumati sa kaniyang kaarawan. Mayroon pang nag-iinuman at walang suot na face masks; isang maliwanag na paglabag sa pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ) protocol noon.

Loading…