“O, ‘di Vice Ganda, alam mo na ngayon”: Pastor Quiboloy muling nagsalita ukol sa ABS-CBN

Image by Apollo Quiboloy via Facebook/Image by Vice Ganda via Instagram
  • Sinabi ni Pastor Apollo Quiboloy na mas makapangyarihan ang Ama na nasa langit kaysa sa ABS-CBN
  • Kapag may impluwensiya at sikat, aniya, ay huwag maging mayabang
  • Inalala niya ang pagkansela ng ABS-CBN sa kontrata ng kanyang religious program noon at pinalitan ng sabong

Mas makapangyarihan ang Amang nasa langit kaya’t kapag may malaking umpluwensiya ay maging mabuting halimbawa, ‘yan ang pahayag ni Pastor Apollo Quiboloy makaraang tuluyan nang hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Image by Apollo Quiboloy via Facebook

Pahayag ni Quiboloy, na umaangkin sa titulong “Appointed Son of God” at “The Owner of the Universe”, “O, di Vice Ganda, alam mo na ngayon, hindi kayo makapangyarihan!”

Dagdag pa nito, “Ang Amang nasa langit ang makapangyarihan. O challenge accepted, ‘yan ang napala n’yo, diba? So when you have influence.

“I told you, kapag may impluwensiya kayo, sikat kayo, nakatingala ang mga tao sa inyo, be a good example. Huwag kayong mayabang.”

Mga sinabi ni Pastor Quiboloy kay Vice Ganda na matitigil ang “Ang Probinsyano” at trapik sa EDSA, nagkatotoo?

Inihalimbawa ng church leader ang mga pangyayari sa kasaysayan kagaya ng kuwento nina David at Goliath, Nebuchadnezzar kung saan naging mayabang ang mga malalakas, may impluwensiya at makapangyarihan at pinatunayan aniya ng Panginoon na wala sila kung wala ang Ama.

Wika pa ni Quiboloy, “Huwag ‘yung masyadong mataas ang lipad niyo. Parang untouchable na kayo. Napansin ko sa inyo, mga crew niyo kahit saan pumunta, basta may markang ABS-CBN, ang tataas ng paningin sa sarili.”

Ang mga kayabangan umanong ito ay hindi hahayaan ng Ama na magpatuloy. Nasabi rin nito na marami pa ngayong kakaharaping kaso ang ABS-CBN katulad ng tax evasion.

Image by Apollo Quiboloy via Facebook

Ibinahagi ni Quiboloy na mayroon siyang early morning program noon sa ABS-CBN station sa Davao na nag-bless sa napakaraming tao sa Mindanao area pero sa kasagsagan nito ay kinansela raw ang kanyang kontrata at programa tungkol sa sabong ang ipinalit.

“You cancelled my contract, I think my contract already lapsed and you did not renew. Ang pakiramdam ko, kinansel, e. Alam niyo ang ipinalit niyo? Sabong ang ipinalit niyo. Sabong ang ipinalit.”

Pagpapatuloy nito, nangunguna palagi ang ABS-CBN sa pagbabalita ng mga negatibo ukol sa kanya kagaya na lamang sa isyu ng illegal conversion ng lupa sa Prayer Mountain sa Davao City.

Panoorin ang pahayag ni Pastor Apollo Quiboloy sa ibaba, bidyo mula sa DZAR 1026:

Loading…