Okay ka ba tiyan, doggy: Yakult maaari din bang ipainom sa inyong aso para sa kanilang digestion?

  • Puwede rin daw ipainom sa mga alaga nating aso ang sikat na probiotic drink na Yakult ayon sa isang post
  • Tulad ng epekto sa digestive system ng tao, maganda rin daw ang benepisyo nito sa panunaw ng mga aso
  • May mga dog owners na nagpapatunay ng epekto nito habang duda naman ang ilan sa maaaring maidulot nito sa kanilang alaga

Sikat ang inuming Yakult sa mga bata at matanda dahil sa benepisyo nito sa ating digestive system. Kilala ang matamis na inuming ito na nagtataglay ng mga good bacteria na nakatutulong sa pagsiguro na maganda ang panunaw ng ating tiyan at magkakaroon ng gana sa pagkain.

Gayunman, lumabas sa ilang pag-aaral na hindi lamang para sa mga tao ang Yakult o anumang inuming probiotic. Sa Facebook post ng page na GoVets Blogs, ipinaliwanag nila ang mga benepisyo ng pagpapainom ng Yakult sa mga alagang aso.

Larawan mula sa Yakult website

Kailangan din daw ng mga aso ang lactobacillus o good bacteria lalo na kung nagkakaroon ng pr0blema ang inyong aso sa pagdumi o c0nstipated ang mga ito. Napagaganda raw nito ang digestion ng aso hanggang sa paglalabas ng dumi nito.

Ayon din sa post, maganda rin umano ang Yakult o anumang probiotic drink sa aso kapag panay naman ang pagdumi nito o may diarrhea. Nakatutulong daw kasi ang good bacteria para maging firm ang st0ol ng mga aso.

Mainam din umanong painumin ng Yakult ang aso kapag umiinom ito ng antibiotics dahil may epekto ang gam0t na ito sa panunaw at sikumura. Malaking tulong din daw ang Yakult para sa immune system ng mga aso.

Dahil sa bagong impormasyon, agad na nag-trending sa social media ang nasabing post na mayroon nang 1,500 reactions, 2,000 comments, at 4,500 shares. Maraming dog owners at Yakult l0vers ang natuwa sa magandang impormasyong ito.

Larawan mula sa Pexels

May ilang fur parents na nagpapatunay na nakatulong nga sa kanilang mga alaga ang pagpapainom ng Yakult lalo na nang magkaroon daw ang mga ito ng karamdaman. Ngunit may mga aso rin daw na hindi gusto ang lasa ng sikat na inumin.

Sabi rin ng ilang health conscious, totoong maganda sa mga alagang hayop ang probiotic drinks ngunit mas maganda ang less sugar variants dahil hindi naman daw maganda ang sobrang tamis para sa mga aso.

Loading…