‘One-way protection lang’: FDA nagbabala sa paggamit ng mask na may valve

Imahe mula sa Lazada/Gearbest
  • Nagbabala ang FDA tungkol sa paggamit ng face mask na may valve
  • Hindi umano ito ligtas dahil posible pa ring makahawa sa ibang tao
  • Balak maglabas ng FDA ng advisory tungkol dito para mabigyang babala ang publiko

Hindi ligtas para sa ibang tao ang paggamit ng face mask na may hingahan o valve; ito ang nilinaw ng Food and Drug Administration of FDA.

Ayon kay FDA Director-General Eric Domingo, ang face mask na may valve ay hindi rehistrado para sa mga medical purposes kundi pang-industriyal lamang ang gamit nito.

DG Doming/ imahe mula sa PNA

“Hindi sila mga medical and/or surgical mask, kundi ay mga industrial mask na ginagamit ng mga karpintero, mga naga-grinding so ang talagang intensyon niyan ay hindi makapasok ‘yung alikabok sa ihihinga ng tao,” paliwanag ni Domingo sa isang panayam sa radyo kamakailan.

Kung tutuusin umano ay mas epektibo pa ang mga cloth mask dahil ‘two-way’ ang proteksiyon nito kaysa sa mga mask na may valve na ang protektado lamang ay ang may-suot.

“Pero wala siyang proteksyon… halimbawa kung ikaw ay may sakit at suot-suot mo [may valve] maaaring lumabas po ‘yung hininga niyo doon sa valve. Kung talagang infection control po talaga ay hindi po para doon,” anang opisyal.

Imahe mula sa Lazada

Dapat daw ay fully-covered ang ilong at bibig ng mga tao at walang butas o lagusan dahil dito maaaring lumabas ang virus at posibleng makahawa sa ibang tao.

“Sa mga ospital o sa mga nag-aalaga ng may sakit, gusto po talaga natin medical or surgical use na mga masks. Pero kung everyday use, kahit naman po mga cloth masks. Mas safe pa po ang mga regular masks na walang valve,” giit ni Domingo.

Pinag-aaralan na umano ng ahensiya na maglabas ng advisory tungkol dito upang mabigyan ng kaukulang babala ang publiko.

Medical clinic nagbabala sa paggamit ng face mask na may exhalation valve

Kamakailan lang ay pinayuhan ng The Medical City Clinic ang mga doctor, nurses at staff nito na huwag gumamit ng face mask na may exhalation valve dahil hindi nito napipigilan ang COVID-19 transimission. Lumalabas kasi sa valve ang mga respiratory droplets kapag humihinga ang may suot nito.

Hindi na rin papapasukin sa alin mang branch ng The Medical City Clinic ang mga pasyente at kasama nito na may suot na ganoong klase ng face mask. Ang maaari lang pumasok sa kanilang pasilidad ay ang mga taong may suot na surgical mask, N95 at cloth mask.

Loading…