Operasyon ng SM City sa Cavite sinuspinde dahil sa quarantine rules violations

Screenshot mula sa video ni Gov. Jonvic Remulla
  • Sinuspinde ni Gov. Remulla ang operasyon ng SM City Trece Martires
  • Nilabag ng shopping mall ang Q-Pass system na ipinatutupad ng Cavite
  • Kung hinuhuli ang mga pangkaraniwang tao dahil sa paglabag sa quarantine rules, dapat din umanong ipasara ang mga malalaking malls na may violations

Ipinasuspinde ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang operasyon ng SM City Trece Martires dahil sa direktang paglabag sa isa sa mga quarantine rules na ipinatutupad sa probinsya.

Screenshot mula sa video ni Gov. Jonvic Remulla

Isiniwalat ng gobernador sa kanyang social media account na nagpaikot siya ng mga undercover police officers sa mga shopping malls sa buong Cavite noong July 22 upang alamin kung sumusunod ba ang mga ito sa mga patakarang ipinatutupad sa mga regulasyon ng probinsya upang labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Isang video umano ang natanggap ni Gov. Jonvic Remulla na nagpapakitang nilabag ng SM Trece Martires ang quarantine pass o Q-Pass system rule.

“Isa sa mga patakaran na kailanman ay hindi natin tinanggal o tinigil dito sa Cavite ay ang paggamit ng Quarantine Pass o Q-Pass system. Ito ay para malimitahan ang pag-ikot ng mga tao sa mga lugar kung saan nagkakaroon ng transmission o nagkakahawahan. Isang video ang aking natanggap kung saan makikita ang direktang paglabag ng SM City Trece Martires sa Q-Pass Policy ng Cavite,” aniya.

Screenshot mula sa video ni Gov. Jonvic Remulla

Sa video na kuha ng mga undercover PNP personnel, makikita ang pagpasok ng mga tao sa shopping mall. Isa-isa silang kinukuhanan ng temperature ng guwardiyang nakatalaga sa entrance at nagwiwisik din ito ng rubbing alcohol sa mga kamay ng bawat pumapasok.

Ngunit malinaw na makikita sa video na hindi na hinahanapan ng quarantine pass ang mga mallgoers.

“Guidelines are meant to put order into controlling the pandemic situation. For those who think that the worst is over, you are mistaken. It is going to get worse before things get better,” sabi pa ng Cavite governor.

Imahe mula sa Facebook account ni Gov. Jonvic Remulla

“Collective responsibility means if we arrest the small people in the streets for face mask violation or public intoxication, then we should also close down the big malls if they violate the Q-Pass Policy set by the LGU,” sabi pa niya.

Sa pamamagitan ng isang executive order ay sinuspinde ang operasyon ng SM City Trece Martires until further notice.

Loading…