#OustKiko nag-trending sa Twitter; Sharon naglabas ng sama ng loob

Imahe mula sa Facebook ni Sharon Cuneta
  • Trending ngayon sa Twitter ang #OustKiko na patungkol kay Senador Pangilinan
  • May mga nais umanong tanggalin ang senador bilang chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes
  • Hindi naman napigilan ni Sharon Cuneta ang maglabas ng sama ng loob

Nag-trending ang hashtag na #OustKiko sa Twitter matapos ibulgar ni Frankie Pangilinan na mayroong plano ang mga kritiko ng kaniyang ama na tanggalin ito bilang chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes.

Ang nasabing plano umano ay para bigyang daan ang ilang pagbabago sa Saligang Batas na gagamitin ng administrasyon upang masugpo ang coronavirus.

Imahe mula sa Facebook ni Sen. Kiko Pangilinan

Kaagad namang tinanggal ni Frankie ang kaniyang tweet subalit nanganak na ang #OustKiko hashtag at umabot na ito sa mahigit 10,000 tweets sa ksalukuyan.

Nakahandang bumaba

Samantala, nakahanda naman si Senador Kiko na bumaba sa puwesto bilang chairman ng nasabing committee kung ito ang hiling ng pamunuan ng Senado subalit hindi para pagbigyan ang mga bayarang ‘online trolls’.

“Besides, the argument that the problem of COVID will be solved by charter change is quite frankly out of this world,” wika ng senador.

Imahe mula sa Instagram ni Sharon

Tiniyak naman ng kaniyang mga kasamahan sa Mataas na Kapulungan na walang ganung hakbang para tanggalin siya sa komite.

“Ako SP wala akong naririnig. Mabuti pa sila, maraming alam . Better ask the mongerers,” paglilinaw ni Senate President Vicente Sotto III.

Ganito rin ang reaksiyon nina Senador Joel Villanueva at Senador Franklin Drilon sa #OustKiko. Duda nila gawa-gawa lamang ito ng kung sinuman ang nasa likod ng troll farm para baguhin ang Konstitusyon.

Sharon nagreact

Samantala hindi naman napigilan ni Sharon Cuneta na muling maglabas ng damdamin tungkol sa isyu.

“Now, my husband naman. I want to refrain from posting about politics na, but sorry po – I have to stand up for what is right – especially if it involves someone I love,” komento ni Sharon sa kaniyang Instagram post.

Imahe mula sa Facebook ni Sharon

Ayon pa sa Megastar, matagal na umano niyang pinalalampas ang mga pamimintas laban sa kaniyang asawa subalit hindi na kaya ng kaniyang pamilya lalo na ng mga anak niyang wala naman daw malay.

“I wonder who’ll be next? Going too far. So sad. O, Pilipinas naming mahal…ano na ang ginagawa sa iyo…” dagdag pa ng beteranang aktres na winakasan ang kaniyang komento ng hashtag na #enoughisenough.

Loading…