Overload! “Pulutan sa bilao” patok sa mga tanggero

  • “Nakapagpalaway” sa mga netizens ang itinitindang pulutan sa bilao
  • Naglalaman ito ng chicharon bulaklak, sisig o dinakdakan, hipon o inihaw na bangus, alimasag, at bagnet
  • Maaaring makabili nito sa maliit, katamtaman, at malaking bilao

Ngayong wala na ang liquor ban, tiyak na “uhaw na uhaw” nang masayaran ng alcohol ang lalamunan ng mga “tanggero” na matagal-tagal ding hindi nakatikim ng ‘ika nga nila’y paborito nilang inumin. At kung tomahan din lamang ang pag-uusap, kaakibat nito ang isang masarap na pulutan.

Kaya naman, patok sa mga tanggero ang isang negosyo na nagtitinda ng mga pulutan na nakalagay sa isang malaking bilao. Makikita sa mismong Facebook page ng  “Daddymoños Foodtrap” kung gaano kalaki ang naturang bilao na nagkakahalaga ng 1,500 piso sa maliit na bilao na kasyang-kasya sa apat hanggang anim na katao at 2,500 naman sa pinakamalaki na sapat na sapat para sa walo hanggang sampung katao.

Imahe mula sa Facebook page ng

Ano ang laman ng bilao? Maghanda kang itabi ang iyong mga gamot habang nakikipag-inuman dahil puro ito “putok-batok.” Tiyak na maglalaway ang sinuman dahil nariyan ang chicharon bulaklak, sisig o dinakdakan, hipon o inihaw na bangus, alimasag, at bagnet.

“Para po sa mga nagtatanong kung aabot po sa location nila ang deliver: through online booking lang po ang delivery natin, sagot ninyo na po yung fare sa deliver. Thank you!” paalala ng pamunuan ng naturang negosyo.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Wow… ang sasarap naman! Tiyak na maraming sasama sa tomahan kapag ganiyan kadami at kasasarap ang pulutan. Baka mas mauna pang maubos iyan kaysa sa mga itatagay hahaha,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Baka mas mauna ka pang matumba sa pagpapak ng mga pulutan na iyan kaysa sa iinuming alak hahaha, puro putok-batok eh!”

“Nakakatakam naman po. Para siyang ‘deadly combo’ sa dami, literally and figuratively hahaha,” saad naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page na Daddymoños Foodtrap

Ang pulutan ay karaniwan lamang sa inuman dahil nababawasan ang porsyento ng maagang pagkalasing ng mga tanggero: upang mas makarami pa sa tagayan.

Source :

Facebook

Loading…