P1.2-billion distance learning gadgets ipamamahagi sa Pasig City

Image by Vico Sotto via Facebook
  • Estudyante at guro sa public schools sa Pasig City, makatatanggap ng distance learning gadgets
  • Mayroon na ring mga nakatalagang lugar kung saan puwedeng makakonekta nang libre sa internet ang mga mag-aaral
  • Ani Mayor Vico Sotto ibibigay nila ang mga pangunahing kailangan ng mga mag-aaral para sa edukasyon

Magkakaloob ng distance learning gadgets kagaya ng laptops at tablets ang lokal na pamahalaan ng Pasig City sa mga mag-aaral at guro sa mga pampublikong paaralan, ‘yan ang inanunsyo ni Mayor Vico Sotto.

Image by Vico Sotto via Facebook

Pahayag ng alkalde, “Sa larangan ng edukasyon, nakahanap po tayo ng P1.2 billion para sa ating pampublikong paaralan para sa mag-aaral mula sa elementarya hanggang sa senior high school — mga tablets, iba pa sa kanila, laptops.”

Bibigyang prayoridad din daw sa mabibigyan ang mga ICT students at mga guro na wala pang pag-aaring laptop.

Sa kasalukuyan ay patuloy parin ang pangangalap nila ng karagdagang pondo para maipambili naman para sa mga estudyante sa kolehiyo.

Sa usaping internet access naman, sinabi ng alkalde na nagtalaga sila ng mga lugar kung saan pupuwedeng pumunta ang mga mag-aaral para kumonekta at mag-download ng mga files na kailangan nila para makapag-aral.

“Sa mga walang access ng internet sa bahay, puwede po silang pumunta sa ibang point kung saan may local network kung saan puwedeng i-download ‘yung mga files.”

Anuman ang mangyari, aniya, hindi maaaring mahuli ang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan kaya’t ibibigay nila ang mga pangunahing kailangan ng mga mag-aaral para matuloy ang edukasyon.

“In case of virtual classes, we are preparing better Internet connections at the barangay level where students can download the modules.”

Mayor Vico Sotto, nakakuha ng pinakamataas na satisfaction rating sa pagtugon sa COVID–19 pandemic

Nakatanggap si Sotto kamakailan ng pagkilala bilang alkalde na may pinakamataas na satisfaction rating sa lahat ng Metro Manila mayors pagdating sa pagresponde at pagtugon sa suliraning hatid ng COVID-19.

Batay sa RLR Research and Analysis, nakakuha ito ng 97%. Sinundan siya nina Marikina City Mayor Marcy Teodoro na may satisfaction rating na 95% at Pateros Mayor Ike Ponce na may 94%.

Image by Vico Sotto via Facebook

Loading…