Pacman muntik nang sumabak noon sa 2016 Rio Olympics – ABAP

Imahe via MAnny Pacquiao Facebook
  • Manny Pacquiao muntik nang lumaban sa Rio Olympics noong 2016
  • Desidido daw noon talaga ang Pambansang Kamao
  • Ngunit ayaw nitong lumiban sa unang session ng Senado

Ano nga ba ang naging hadlang noon sa plano sana ni Senador Manny ‘Pacman’ Pacquiao na sumabak sa Rio Olympics noong  2016?

Ayon kay Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Ed Picson, seryoso noon si Pacman na lumaban sa Rio Olympics; isang malaking pagkakataon sana para maiuwi ng bansa ang kauna-unahan at mailap na Olympics gold medal.

Imahe via Manny Pacquiao Pacebook

Kuwento ni Picson sa isang online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum, lumapit noon sa ABAP ang pangulo ng AIBA (International Boxing Federation) noon na si Wu Ching-kuo para imbitahan si Pacquiao.

“Senator Pacquiao seriously considered it. Ang problema lang, he won as senator, eh the Olympics, which were in July, coincided with the opening of the session of senate,” ani Picson.

Napilitan umanong tanggihan ni Pacquiao ang alok ng AIBA dahil ayaw nitong lumiban sa unang session ng Senado. Magugunitang isa si Pacman sa may pinakamaraming absent noong kongresista pa lamang ito.

“Sabi sa ‘kin ni senator, ‘Ed, kung aabsent ako sa unang session, mayayari na naman ako.’ Kasi ‘di ba that was the criticism of him when he was in Congress. ‘Unang unang session, aabsent ako.’ So he had to beg off,” kuwento pa ni Picson.

Imahe via Ed Picson Facebook

Ganun pa man, mukhang desidido raw talaga noon ang eight-division champion dahil nakipagpulong pa ito sa mga opisyal ng AIBA sa Qatar. Lumipad umano si Pacquiao mula Manila pa-Dubai, at Dubai hanggang Qatar at nakipagpulong kahit pagod at walang tulog sa biyahe.

Dagdag pa ni Picson, “That’s how serious he was. He met with the president of AIBA and other officials. He was entertaining thoughts of fighting in the Rio Olympics.”

Loading…