Pagkakaroon ng drive thru services sa lahat ng supermarket, iminungkahi

Screenshot mula sa Supermarket: Car Drive Thru
  • Nagmungkahi si Rep. Niña Taduran na maglagay ng drive thru section ang lahat ng mga supermarkets sa bansa
  • Sa pamamagitan nito ay liliit ang exposure ng publiko sa COVID-19 dahil maaalis na ang matagal na pagpila sa mga pamilihan
  • Hindi na raw kailangan na gumawa ng batas para sa mungkahi, ang kooperasyon lang ng supermarket owners ang kailangan

Habang patuloy na nakikipagbuno ang mga mamamayan sa COVID-19 pandemic ay nagbigay ng mungkahi ang isang mambabatas na dapat magkaroon ng drive thru service ang lahat ng supermarket sa buong bansa.

Screenshot mula sa Supermarket: Car Drive Thru

Ayon kay ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran, bagama’t nagpapatupad ng social distancing sa pagpila sa mga pamilihan, ang panganib ng COVID-19 transmission ay nananatili pa rin dahil sa tagal ng oras na ginugugol sa paghihintay sa mahabang pila.

Kung mag-aalok ng ganoong serbisyo ang mga supermarkets ay magiging maliit ang exposure ng publiko sa coronavirus.

“Speaking not as a lawmaker but as a homemaker who has the task of making regular grocery runs, I sympathize with the people standing in line for their turn to enter the supermarket,” ani Rep. Taduran.

Ang ideya ay nakuha raw ni Rep. Taduran kay Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan na nagpanukalang magkaroon ng drive through service ang lahat ng frontline services ng PNP gaya ng gun registration at vehicle clearances.

“I commend the General for coming up with a brilliant solution to minimize the public’s and the PNP’s risk of exposure to the disease. Taking the cue from the PNP, I thought it was a good idea to implement the same for daily essentials like grocery shopping as well,” anang mambabatas.

Imahe mula sa Facebook account ni ACT-CIS Partylist Representative Niña Taduran

Iminungkahi ni Taduran na ang mga supermarkets ay magkaroon ng mga online portals kung saan maaaring mag-order ang mga customers, magbayad ng advance at pick-up-in ang mga inorder sa panukala niyang drive thru section.

Sa pamamagitan nito ay mababawasan ang mahabang panahon ng paghihintay para lang makapasok sa tindahan at makapili ng kanilang bibilhin. Tanggapin na natin na ganito na ang  ‘new normal’ and the only thing we can do to save ourselves from Covid is to adapt,” aniya.

Hindi na raw kailangan ang paggawa ng batas para sa kanyang mungkahi. Ang tanging kailangan daw ay ang kooperasyon ng mga supermarket owners.

Source :

Inquirer, PNA

Loading…