Pagputol ng mga kahoy ng Vista Residences, ipinatigil muna ng Baguio City council

Imahe mula sa Facebook post ng PIO-Baguio|Dave Leprozo Jr
  • Ipinatigil na ng konseho ang pagpuputol ng mga puno ng Vista Residences sa Baguio City
  • Mayroon pang 24 natitirang puno na hindi pa napuputol sa ngayon
  • Iginiit naman ng DENR-CAR na legal ang pagputol ng puno dahil may permit ito

Ipinatigil na ng Sanggunian Panlungsod ng Baguio City ang pagpuputol sa nalalabi pang punongkahoy upang bigyang daan ang pagtatayo ng condominium na pag-aari ng pamilya Villar.

Sa pahayag ng SP na ibinahagi ni Mayor Benjamin Magalong sa Facebook, sinabi nitong suspendido muna ang pagpuputol ng Vista Residences sa natitirang 24 na puno hangga’t hindi pa napag-uusapan ito nang maayos sa konseho.

Imahe mula sa Facebook post ni

“Vice Mayor Faustino Olowan instructed the officers of the real estate company to postpone the cutting of the remaining 24 trees within the construction site at Purok 3, Outlook Drive Barangay,” anang pahayag.

Igniit naman ni Dir. Ralph Pablo, Regional Director ng Department of Environment and Natural Resources-CAR, na maaaring ipagpatuloy ng Vista Residences ang pagpuputol dahil mayroon na itong Special Private Land Timber Permit (SPLTP).

Bukod dito, nasa ‘kritikal na kondisyon’ din umano ang mga punong ito dahil nakatayo sa isang gulod at maaaring magdulot ng panganib sa mga nagdaraan. Ganunpaman, pinagbigyan din ni Pablo ang kahilingan ng city council na suspendehin muna ito.

Mayor Magalong nalungkot sa pagputol ng puno para sa condo ni Villar sa Baguio

Napaulat dati na nagsimula nang magputol ang Vista Residences ng 30 pine tree noong ika-20 ng Hunyo. Sa 54 na punong nakatakdang putulin, 24 pa ang nakatayo ngayon.

Nagpahayag din ng pagkadismaya si Mayor Magalong sa nangyari dahil isa umano itong malaking dagok sa Regreening Master Plan ng lungsod.

Imahe mula sa Facebook post ni Dave Leprozo Jr

Hiniling din ng alkalde sa national government na ipatupad na kaagad ang panukalang moratorium para sa pagpuputol ng mga puno at maging sa pagpapatayo ng mga high-rise na gusali sa kanilang lugar.

Ang Vista Residences Inc. ay pag-aari ng Vista Land ni dating Senador Manny Villar, ang mister ni Senador Cynthia Villar, na kasalukuyang chairperson ng Senate Committee on Environment and Natural Resources.

Loading…