Pagsagot sa health declaration form required na sa lahat ng pasahero ng MRT-3

Imahe mula sa DOTr MRT-3
  • Pagsagot sa health declaration form required na sa mga pasahero ng MRT-3
  • Layunin nito na mapadali ang contact tracing sakaling kailanganin itong gawin
  • Ang pagsagot sa cellphone at pagsasalita ay bawal na rin sa loob ng MRT-3 trains

Balik-operasyon na ngayong Lunes, July 13,  ang Manila Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos ang anim na araw na suspensyon ng biyahe nito sanhi ng maraming kawani nito ang nagpositibo sa COVID-19.

Imahe mula sa DOTr MRT-3

Sa pagbabalik ng mga biyahe ay may ilang karagdagang health measures ang ipinatutupad ng MRT-3 management para sa kaligtasan ng mga pasahero nito kabilang na ang pag-fill up ng health declaration form bago sumakay ng tren.

Layunin ng pagbibigay ng passenger information sa health declaration form na mapadali ang contact tracing sakaling kailanganin itong gawin.

Ang health declaration forms ay ibinibigay sa mga pasahero habang nakapila ang mga ito. Dapat isulat doon ang mga hinihinging impormasyon tungkol sa pasahero kasama na ang pangalan, address contact number at iba pang mahahalagang impormasyon na magpapadali sa contact tracing.

“Kinakailangang sagutan ng mga pasahero ang mga nakasaad na detalye sa health declaration form, kabilang na ang pangalan, address, contact number, station entry, petsa at oras, temperature at kung nakararanas ba ng mga sintomas ng COVID-19,” pahayag ng Department of Transportation-MRT3.

Imahe mula sa DOTr MRT-3

Ang mga nasagutang health declaration form ay kinukuha at inilalagay sa isang drop box bago sumakay ang pasahero sa tren. Tiniyak ng pamunuan ng MRT-3 na pananatilihing pribado ang mga impormasyon na nakolekta mula sa mga pasahero.

Bilang karagdagang safety measures ay ipinagbawal na rin ang pagsagot sa mga cellphone at ang pagsasalita habang nasa loob ng MRT-3 trains. Ang mga respiratory droplets mula sa pagsasalita ay posibleng maging sanhi ng pagkahawa sa COVID-19.

Imahe mula sa DOTr MRT-3

Loading…