Pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga MGCQ areas pinag-aaralan ng DepEd

Imahe mula sa DepEd
  • Face-to-face classes pinag-aaralan ng DepEd sa MGCQ areas
  • Sinabi ni DepEd Sec. Briones na kung papayagan ito ay dapat siguruhin ng mga paaralan na may sapat na bilang ng mga upuan upang masunod ang physical distancing
  • Aprubado kay Health Sec. Duque ang limited face-to-face classes

Pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagssagawa ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) dahil alam nito ang hirap na kahaharapin ng maraming magulang sa pagtuturo ng leksyon sa mga anak sa gagawing distance learning.

Imahe mula sa DepEd

Hinihingi ni Pangulong Rodrigo Duterte kina Department of Education Secretary Leonor Briones at Commission on Higher Education chairman Prospero de Vera III na magsumite ng written proposal para sa physical o face-to-face classes.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang gagawing rekomendasyon ay pag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease.

Tiniyak ni Sec. Briones na ang gagawing proposal sa pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga itinuturing na “low-risk” areas sa transmission ng COVID-19 ay idadaan sa “careful evaluation” upang matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante.

Kung sakali mang aprubahan ng pamahalaan ang kanilang gagawing proposal, sinabi ng DepEd secretary na dapat siguruhin ng mga paaralan na mayroon itong sapat na bilang ng mga upuan, at maging ng supply ng tubig at medisina, para masunod ang physical distancing at madalas na paghuhugas ng mga kamay.

Screenshot mula sa RTVM video

“In summary, ang hinihingi ng marami ngayon, yung tinatawag nilang limited face-to-face. Ngayon, sa ibang bansa, sa Southeast Asia, halos lahat blended ‘yung kanilang strategy pero ‘yung kanilang face-to-face kaunti lang,” sabi ni Sec. Briones kay Pangulong Duterte sa isang meeting noong July 15.

Binigyang-diin din ni Sec. Briones ang kahalagahan ng maayos na bentilasyon sa mga classrooms, lalo na’t lumalabas sa maraming pag-aaral na ang coronavirus ay matagal na nananatili sa ere sa mga poorly ventilated indoor spaces.

Suportado ni Health Secretary Francisco Duque III ang proposal na limited face-to-face classes sa MGCQ areas. Maaari rin umano ito sa mga lugar kung saan walang bagong COVID-19 cases sa loob ng lumipas na 28 days.

Imahe mula sa DOH

Loading…