Pagsirit ng bilang ng COVID-19 cases sa Quezon City dahil sa mga parties at videoke sessions

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN
  • Dahil sa mga birthday parties at videoke sessions ay dumami ang bilang ng COVID-19 cases sa Quezon City
  • Ang mga paglabag ay naganap sa mga special concern lockdown areas
  • Ang SCL ay ang localized 14-day lockdown na ipinatutupad ng Quezon City Government sa mga lugar na maraming kaso ng COVID-19 infections

Ang mga hindi awtorisadong parties at videoke singing sessions ng mga residente ng Quezon City na labag sa ipinatutupad na mahigpit na quarantine protocols ang isa sa mga sanhi ng pagsirit ng bilang ng mga taong kinapitan ng  coronavirus. Napag-alaman ng pamahalaang panglungsod na ang mga unauthorized social gatherings ay naganap sa mga lugar na isinailalim sa special concern lockdown (SCL).

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN

Ang SCL ay ang localized 14-day lockdown na ipinatutupad ng Quezon City sa mga espesipikong lugar na may maraming COVID-19 infections.

“We have been informed that most of the causes for the spread of COVID-19 cases in areas that were recently placed under special concern lockdown (SCL) were due to various unauthorized activities, which were regrettably preventable,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte sa isang press release.

“There were reports that residents in the said areas had drinking sessions, boodle fights, wakes that exceeded limitations in duration and number of attendees, and even played basketball and volleyball,” dagdag pa ni mayor.

Natunton ng epidemiology bureau ng lungsod na ang COVID-19 transmission ay naganap sa mga videoke singing sessions at birthday parties.

Videoke session sa gitna ng pandemic

Upang hindi na muling maulit ang mga paglabag ay pinulong ng alkalde ang 142 barangay captains sa Quezon City. Binalaan niya ang  mga ito na ang sinuman sa kanila na hindi magpapatupad ng quarantine rules ay haharap sa mga kasong administratibo.

Binigyang-diin ni Mayor Belmonte na responsibilidad ng mga kapitan de barangay na ipatupad sa kanilang nasasakupan ang pagsusuot ng face mask, physical distancing, pagbabawal sa mass gathering at ang curfew hours na 10pm hanggang 5am.

Source :

Facebook, Tempo

Loading…