Pagsusumikap ng PWD GrabFood employee, inspirasyon ang dala online

Image by Serg Manalastas via Facebook
  • GrabFood employee, patuloy ang pagsusumikap sa gitna ng kapansanan
  • Nagdala ng inspirasyon sa social media ang kuwento ni kuya
  • May nagsabing sana’y malipat siya sa ibang trabaho

Patuloy na nagdadala ng inspirasyon online ang larawan ng isang Person With Disabilities o PWD na empleyado ng isang food delivery company; sa kabila kasi ng kapansanan ay patuloy pa rin ang pagsusumikap nito para makapagtrabaho.

Image by Serg Manalastas via Facebook

Ibinahagi ni Serg Manalastas sa Facebook ang larawan ng PWD na nakasakay sa isang pasadyang wheelchair na may hawakan sa harap at mistulang bisikleta o motorsiklo.

Mayroon itong cellphone sa harap kung saan titingnan ng GrabFood employee ang lugar na pagdadalhan ng ide-deliber.

Nag-trending ang post at nakahakot na ng mahigit 700 reaksyon at nasa 780 pagbabahagi sa Facebook. Marami ang nagbigay papuri sa lalaki at may mga nagsabi pang maganda kung maitampok ang kuwento niya sa telebisyon.

Sabi ng isa, “Galing. Bakit ang mga taong kumpleto, ang daming reklamo at daing sa pamahalaan? Hindi nila gayahin si sir, diskarte lang.”

May nagsabi namang nalulungkot umano siya kapag nakikita ang pagsusumikap ng mga PWD pero wagas kung laitin ng iba.

Komento naman ng isa, sana naman ay malipat sa ibang trabaho ang PWD dahil hindi ito karapat-dapat sa kanya.

Pero sabi ng isa, “Bakit naman hindi karapat-dapat? Wala ba silang karapatang magtrabaho? May mga company na tumatanggap ng mga PWD, kadalasan mga pipe at bingi pa nga. Wala bang ganon sa inyo?”

Wika ng isa, hindi rito sa Pilipinas nakunan ang larawan kundi sa bansang Singapore.

Saan man yan kuha, nakai-inspire at kapuri-puri ang patuloy na pagsusumikap ng lalaki sa kabila ng kanyang kapansanan; sana’y gawing inspirasyon ng iba pa.

PWD na nagpadyak mula Kalookan hanggang Sorsogon, tinulungan ng mga riders

Nakaaantig din ang kuwento ng isang PWD kamakailan na nagpadyak para makauwi mula Kalookan patungong Sorsogon. Sa kabutihang palad, tinulungan siya ng mga riders.

Mga imahe mula sa Facebook post ni Eric Barela

Loading…