Pagtatayo ng apat na ospital sa Metro Manila na eksklusibo para sa mga COVID-19 patients iminungkahi

Imahe mula sa Tribune
  • Iminungkahi ni Sec. Carlito Galvez ang pagpapatayo ng apat na ospital sa Metro Manila na eksklusibo para sa COVID-19 patients
  • Sa ngayon, “kinakain” na ng mga COVID-19 patients ang espasyong dapat ay para sa mga pasyenteng may ibang karamdam
  • Sinabi rin ni Galvez na dapat na maitaas pa ang testing capacity ng bansa upang mas maraming mamamayan ang mailigtas sa COVID-19 infection

Isinusulong ni Secretary Carlito Galvez, ang chief implementer ng National Task Force Against COVID-19, ang pagtatayo ng apat na pagamutan na eksklusibo lang para sa mga COVID-19 patients.

Imahe mula sa Tribune

Paliwanag ni Galvez, sa pagkakaroon ng COVID-19-dedicated hospitals ay lalawak ang kapasidad ng bansa sa pagtugon sa mga pasyenteng kinapitan ng coronavirus at masisiguro rin na mabibigyan ng atensyon ang mga non-COVID-19 patients.

Aniya, “kinakain” na ng mga COVID-19 patients ang espasyong dapat ay para sa mga pasyenteng may ibang karamdaman.

“Ang problema po natin, kung kumakain po tayo ng percentage doon sa mga patients po na non-COVID, ‘yung non-COVID po ang nako-compromise…‘yung mga tinatawag natin na may dialysis, ‘yung mga may c*ncer. ‘Yun po ang mga nagiging casualty,” ani Galvez.

“So ang nakikita po namin, we will be recommending na kung magkaroon po tayo ng zoning sa NCR (National Capital Region), meron po dapat tayo na apat na COVID hospitals. Parang ‘yung dedicated na hospitals na ginawa po ng China na in 10 days, they built COVID-19 dedicated hospitals,” dagdag pa ni Galvez.

Screenshot mula sa PCOO video

Bukod sa pagtatayo ng 4 COVID-19-dedicated hospitals, sinabi rin ni Sec. Galvez na kung maitataas pa ang testing capacity ng bansa ay maraming mamamayan ang maililigtas sa COVID-19.

Aniya, sa kasalukuyan ay nakapagsasagawa na ng halos 27,000 tests a day.

“Na-break na po natin ang 26,900 na test natin noong July 17, ibig sabihin nakapag-test na po tayo isang araw na more or less 27,000 a day,” aniya.

Mababawasan daw ang mga pasyenteng makararanas ng malubhang sintomas kung maagang made-detect ang COVID-19 infection.

Screenshot mula sa CNN Philippines video
Source :

PNA, Inquirer

Loading…