Palasyo tiniyak ang kalusugan ni Pangulong Duterte

SONA 2019| Imahe mula sa RTVM-YT
  • Tiniyak ng Malakanyang na nananatiling malusog si Pangulong Duterte
  • Sa edda na 75, nasa 88 porisyento umano ang kalusugan nito
  • Nakatakdang manatili ang presidente sa Davao City sa susunod na mga araw

Pinawi ng Malakanyang ang pag-aalala ng maraming Pilipino para sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mabigat na trabaho at suliraning pasan ngayon ng bansa dulot ng pandemiyang COVID-19.

Sa panayam ng DZBB kay Presidential Spokesperson Harry Roque, siniguro ng opisyal na kahit sa edad na 75 anyos, nananatiling nasa 88 porsiyento ang kalusugan ng presidente.

Image by Harry Roque via Facebook

“Well, like any other 75-year-old, para naman pong nasa 88 po ang physical health ng ating Presidente,” pagtitiyak ni Roque.

Nakatakda rin umanong bumiyahe ang Pangulo patungong Davao matapos ang ilang linggong pananatili sa Maynila dahil sa pinaiiral na quarantine.

“Siya po ay nasa Mindanao ngayon, doon po siya nag-o-opisina at may mga planong biyahe po pero iyon nga po, for security considerations, ako po ay pinagbawalan na sabihin,” ani Roque.

Imahe mula sa RTVM video

Nitong nakaraang mga araw, nag-alala ang publiko dahil tila may iniindang sakit ang Pangulo na una nang umamin na siya ay may Buerger’s disease, Barrett’s esophagus at myasthenia gravis bukod pa sa manaka-nakang migraine at sakit ng katawan sanhi ng aksidente sa motorsiklo ilang taon na ang  nakararaan.

Kaagad namang pinabulaanan ito ng Palasyo at sinabing malungkot lang ang presidente dahil sa sinapit ng 5 sundalo sa engkuwentro ng mga ito sa Jolo, Sulu.

Noong Mayo, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Atty. Dino de Leon na isapubliko ang health record  ni Pangulong Duterte.

Loading…