Palasyo umapela sa MRT passengers na may contact sa ticket seller na mag-self quarantine, magpa-test

Imahe mula sa DOTr-MRT3
  • Nanawagan ang Palasyo sa mga naging pasahero ng MRT3 na nagkaroon ng contact sa ticket sellers na COVID-19 positive
  • Dapat umanong mag-self quarantine sila at kung may sintomas ay magpa-PCR test
  • Nasa 202 MRT 3 personnel ang nagpositibo sa COVID-19 kabilang ang labing-anim na kawani na nakatalaga sa mga istasyon ng tren

Umapela ang Malacañang Palace sa mga naging pasahero  ng Metro Rail Transit Line 3 na sumailalim sa COVID-19 testing at mag-self quarantine kung sa kanilang palagay ay nagkaroon sila ng physical contact sa ticket sellers na positibo sa coronavirus.

Imahe mula sa DOTr-MRT3

“Inaasahan naman po natin na kung kayo po’y sumakay ng MRT, siguro kami na po ang nananawagan, kung pupuwede po, kung kayo ay nagkaroon ng physical contact doon sa mga nagbebenta although meron po tayong polisiya na dapat no cash at minimum contact, pero kung kayo po’y somehow nagkaroon ng contact, eh kayo na po ang mag-quarantine dahil hindi na po natin malalaman kung sino kayo,” panawagan ni Presidential spokesman Harry Roque noong Martes, July 7.

At kung may sintomas na nararamdaman ang mga pasaherong may contact sa ticket sellers ng MRT, dapat lang umanong magpa-PCR (polymerase chain reaction) test sila. Ang PhilHealth naman umano ang magbabayad ng test.

Kasalukuyang suspendido ang operasyon ng MRT 3 matapos magpositibo sa COVID-19 ang daan-daang kawani nito kabilang ang labing-anim na mga personnel sa ilang istasyon ng tren.

Ang mga ticket sellers ay mula sa mga train station sa North Avenue, Quezon Avenue, GMA-Kamuning and Cubao.

Imahe mula sa DOTr-MRT3

Ang working schedule ng mga ticket seller na nagpositibo sa virus ay ang sumusunod:

  • North Avenue: 1 p.m. to 11 p.m.; 4:30 p.m. to 2:30 a.m.
  • Quezon Avenue: 1 p.m. to 11 p.m.
  • GMA-Kamuning: 4:30 p.m. to 2:30 a.m.
  • Cubao: 1 p.m. to 11 p.m.; 4:30 p.m. to 2:30 p.m.

Ang suspensyon ng operasyon ng MRT 3 ay sinimulan noong July 7 at tatagal hanggang July 11 upang bigyang-daan ang COVID-19 testing sa lahat ng mga kawani nito.

Imahe mula sa DOTr-MRT3

Loading…