Pamahalaan hinihikayat ang mga magpo-protesta sa SONA na gawin ito online

Image by Harry Roque via Facebook
  • Pamahalaan, hinihikayat ang mga mamamayan na via online magprotesta sa ika-5 SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte
  • Sabi ni Spox. Harry Roque, mababalewala ang mga hakbang na ipinatutupad kung magtitipon-tipon ang mga tao para magprotesta
  • Ani naman ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa, kailangang maiging balansehin ang freedom of expression at public health

Mababalewala ang mga hakbang na ipinapatupad kagaya ng social distancing kung magtitipon-tipon ang mga mamamayan para magprotesta sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte; ito umano ang dahilan kaya’t hinihikayat ngayon ng pamahalaan ang mga nagbabalak magprotesta na gawin ito online.

Imahe mula sa Facebook ni Atty. Harry Roque

Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “Sana po, magsilbing halimbawa sa lahat, iwasan po muna natin ang pagtipon-tipon. Mababalewala po yung araw-araw nating sinasabi na social distancing kung makikita doon mismo sa SONA, at nakatutok ang mga media sa SONA, ay maraming nagtitipon-tipon.”

Sabi ni Roque, inaasahang magaganap ang SONA sa July 27 sa Batasang Pambansa, Quezon City kung saan nakataas pa rin ang General Community Quarantine (GCQ) at nakasaad sa guidelines mula IATF na hanggang sampu lamang ang pupuwede sa mass gatherings sa ilalim nito.

Ang pagsasagawa ng online protest, ani ng spokesperson, ay para na rin sa kaligtasan ng mga mamamayan at ng kani-kanilang pamilya.

Ganito rin ang hikayat ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa mga mamamayan, na sa social media na lamang maglabas ng hinaing at sentimyento.

Kailangan aniyang maiging balansehin ang freedom of expression at public health sa pagkakataong ito.

Sa mga nakaraang SONA, ani Gamboa, nagpatupad sila ng maximum tolerance at hindi pinigilan ang mga mamamayan na pisikal na maghayag ng sentimyento sa gobyerno pero hindi umano ito ordinaryong pagkakataon at mas makabubuting gawin muna ito online.

Imahe mula sa PNP

Wika pa nito, “We have always encouraged our local commanders to talk with the groups and we encourage them probably to go online in their protest.

“Anyway, social media have a wide reach so they can always air and probably people will listen to them through social media.”

Imahe mula sa CPJ

Loading…