Pamilya sa Navotas na nagpa-party kinasuhan; 6 katao nahawa ng COVID

Imahe mula sa Tirada Balita TV
  • Isang pamilya sa Navotas ang kinasuhan matapos magdaos ng party sa gitna ng ECQ
  • Aabot sa 17 katao ang sinampahan ng kaso matapos dumalo sa nasabing party
  • Labing-apat (14) dito ay nagpositibo sa COVID-19

Bukod sa nahawa na sa COVID-19, posible pang makulong ang isang pamilya sa lungsod ng Navotas matapos kasuhan ng mga pulis dahil nagdaos umano ng party ang mga ito sa gitna ng pinairal na enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa pahayag na inilabas ng opisina ni Mayor Toby Tiangco, 17 katao ang sasampahan ng paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code, Section 9 of RA 11332, RA 9271 at sa Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine.

Ang nabanggit na 17 katao, na pawang residente ng H. Monroy St., sa Bgy. Navotas West, ay dumalo umano sa party ng isang pamilya noong Mayo 14 habang nasa kasagsagan ng ECQ ang Metro Manila kung saan ipinagbabawal ang mga pagtitipon sa iisang lugar.

Imahe mula sa Facebook| Mayor Toby Tiangco

Inilagay na sa mahigpit na lockdown ang H. Monroy St. simula 5:01 am noong Hunyo 11 hanggang 11:59 am ng Hunyo 24 matapos magpositibo sa coronavirus ang 14 residente doon.

Sa 14 na nagpositibo, lumalabas na 6 sa mga ito ay dumalo sa nasabing party.

Binalaan ni Mayor Tiangco ang mga residente na sumunod sa lockdown protocol ng lungsod upang hindi malagay sa panganib ang buhay nila at ng kanilang kapamilya at kapitbahay.

Imahe screenshot mula sa Facebook- Mayor Tiangco

“Let this serve as a stern warning to all violators: Even if we don’t catch you in the act, we will file criminal charges against you if investigation showed you flouted the quarantine order,” wika nito

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang alkalde dahil sa katigasan ng ulo ng pamilyang nasasangkot.

“The family’s utter disregard of safety regulations endangered their lives and all those living on H. Monroy,” dagdag pa ni Mayor Tiangco.

Kinumpirma naman ni Col. Rolando Balasabas, hepe ng Navotas police, na sinampahan na nila ng kaukulang kaso ang sangkot na mga tao.

Loading…