Panawagan ng DOF na luwagan ang quarantine measures sa NCR, Calabarzon suportado ng manufacturers

Imahe mula sa CNNPH
  • Suportado ng mga manufacturers ang panawagan ng DOF na luwagan pa sa lalong madaling panahon ang quarantine measures sa Metro Manila, Calabarzon at iba pang major urban centers
  • May mga palatandaan na nagsimulang nakarekober ang ekonomiya nang magluwag ng quarantine measures noong buwan ng Hunyo
  • Ang suporta ng grupo sa DOF ay ipinadaan sa pamamagitan ng isang liham na ipinadala sa IATF

Suportado ng Federation of Philippine Industries (FPI) ang panawagan ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III na luwagan pa ang quarantine measures na ipinatutupad sa National Capital Region (NCR o Metro Manila), Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at iba pang major urban centers sa bansa.

Imahe mula sa CNNPH

Ang FPI ay isang umbrella organization ng mahigit 100 manufacturing companies. Sinabi ni Sec. Dominguez na nagpahayag ng suporta ang grupo sa kanyang panawagan dahil makatutulong ang pagluluwag ng quarantine measures sa patuloy na pagrekober ng ating ekonomiya.

May mga palatandaang nagsimulang makarekober ang ekonomiya ng bansa nang nagluwag ng quarantine measures ang pamahalaan noong June. Nakita umano ito sa mas mataas na volume ng imports noong buwang nabanggit.

Sa ngayon ang Metro Manila, Cavite, Laguna at Rizal ay nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) samantalang ang Batangas at Quezon at nasa modified GCQ hanggang July 31.

“The Federation is supporting the call of Secretary Carlos Dominguez III that the country’s main economic centers like Metro Manila, Calabarzon and other urban areas should move to looser quarantine restrictions as soon as possible to reopen the economy, with the precaution that those factories and barangay with COVID-19 cases be dealt with more strictly,” saad ng liham ng FPI para sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Imahe mula sa FPI

Sa sulat, binanggit ng grupo ang masamang epekto sa ekonomiya ng pandemya nang magpatupad ng strict quarantine measures ang gobyerno noong Marso upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

Naapektuhan ng lockdown ang 75% ng ekonomiya, lumiit ang gross domestic product ng 0.2 percent sa first quarter at ang lockdown extension na ipinatupad noong Abril ay nagresulta sa 15-year high unemployment rate.

“FPI fully agrees with Secretary Dominguez that there are already signs of economic recovery when the quarantine restrictions were relaxed starting this June 2020 as import volumes improved, reflecting rising economic activity. Hence, there is a need now to further loosen the quarantine restrictions in all main economic centers,” ayon pa sa liham ng FPI.

Ayon kay Sec. Dominguez, nagpadala ang FPI sa DOF ng kopya ng liham.

Imahe mula sa DOF
Source :

DOF, PIA

Loading…