Pangulong Duterte umaasang balik-normal na ang sitwasyon sa Disyembre

Screennshot mula sa RTVM video
  • Umaasa si Pangulong Duterte na magbabalik na sa normal ang sitwasyon ngayong Disyembre
  • Ito ay dahil posibleng magkaroon na ng bakuna laban sa COVID-19 na magmumula sa Tsina
  • Bibigyang prayoridad umano ng gobyerno ang mga mahihirap at mga maysakit

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na magbabalik na sa normal ang sitwasyon ng buhay sa bansa sa darating na Disyembre.

Ito ay matapos ibahagi ng Pangulo na maaaring makakuha na ng bakuna laban sa COVID-19 at posibleng magmumula ito sa Tsina. Tulad umano ng gamot na pinag-aaralan at ginagawa ng mga Chinese drugmakers na Sinovac Biotech at Sinopharm na mayroon nang positibong resulta.

Screenshot mula sa RTVM video

“Ang recovery natin is normal na,” pagtitiyak ng Presidente. “We are not going back to a new normal. It’s going to be normal again.”

Hinimok ng Pangulo ang mamamayang Pilipino na maghintay pa ng konting panahon hanggang matagumpay na mabuo ang bakuna laban sa coronavirus at maipamahagi ito.

“I promise you, by the grace of God, I hope by December we would be back to normal. Huwag ninyo ‘yang new normal, new normal kasi sabi ko nga noon pag-umpisa natin hintayin lang natin ‘yung vaccine,” aniya.

Tiniyak din ni Duterte na uunahing mabakunahan ang mga walang-wala, ang mga maysakit at yaong mga kritikal ang kondisyon ng kalusugan. Ito daw ‘yung mga taong nasa listahan na tumatanggap ng ayuda mula sa pamahalaan.

Imahe mula sa StoriesAsia

Sa proseso naman ng pamamahagi ng gamot, ibibigay ito ng gobyerno sa hanay ng militar para matiyak na patas at walang katiwaliang magaganap. Inamin din ng Pangulo na hindi niya ito ipagkakatiwala sa mga lokal na opisyal ng gobyerno.

“Yung overall umbrella to supervise must be the armed forces. This will remove partisan, favoritism, corruption,” ayon pa kay Duterte.

Samantala, hinimok niya rin ang mga maykaya na bumili na lamang ng kanilang sariling bakuna habang wala umano siyang planong bigyan ang mga kriminal tulad ng mga taong sangkot sa ilegal na bisyo.

Loading…